Coco Martin kina Onyok at Mac Mac: “Para kaming nakapulot ng ginto”

ADVERTISING

Coco Martin kina Onyok at Mac Mac: "Para kaming nakapulot ng ginto"

Coco Martin
Coco Martin

Coco Martin only had good words for child actors Onyok and Mac Mac na kasama niya sa “Ang Probinsiyano”.

“Actually, napakasuerte namin. Ang hirap humanap ng batang artista. Gifted sila, eh. Hindi naman namin sinasadya, pero para kaming nakapulot ng ginto,” panimulang chika ni Coco Martin.

“Si Onyok, ang ganda ng istorya niya. Noong nag-audition siya sa Dreamscape, hindi naman siya (Onyok) ang pinili. Kasi nag-audition siya para maging anak ko. Tatlo sila, pinaiyak namin. Si Onyok, dahil four years old pa lang siya ay wala siyang kaide-ideya sa acting. Pero after that, may napili na kaming isa. Nu’ng palabas na siya ng room, sabi niya, ‘kunin n’yo ko, ha.’ Ganoon siya, maangas lang. Napatawa lang kami. Sabi ni Sir Deo, sino nga ‘yung batang ‘yon, si Onyok, isama natin sa Botolan para maging Aeta. Isinama namin siya tapos noong kinukunan namin, nu’ng umaarte na siya, sabi ko, ‘Direk, ang ganda ng mata ng bata.’ Wala siyang dayalog, hindi siya marunong mag-line. Kasi si Direk Malu Sevilla, magaling sa bata.

“Ang gagawin namin, nagsa-shadow ako. Umaakting ako tapos gagayahin niya. Pinagtiyagaan namin siya. Later on, mas magaling na siya sa aming lahat. Punung-puno na siya ng adlib. Naiinis siya kapag konti lang ang lines.

ADVERTISING

Nagpapayabangan pa ‘yan. ‘O, ‘pag nagkamali pa-pizza, ha.’ Hindi namin ini-expect na ganoon pala kagaling na bata.

“Si Mac Mac naman, kilala na siya sa Youtube bilang Aura, Aura. Sabi ko, siguro ito ang magandang kuwento. ‘Yun nga, kunwari may crush siya sa akin, pero may tatay siyang sundalo, ex-military na protector ng mga gang-gang. Hindi niya puwedeng ipakita ang kahinaan niya. Pero ‘yun ang bali, kapag kaharap niya ako ay lalaking-lakaki siya, pero kapag nakatalikod na ako ay magiging gay na siya.

“Noong una, hindi pa siya marunong umarte, pero later on sobrang galing na niya. Nagpapagalingan na sila ni Onyok. Napaka-sincere ng ibinibigay nilang acting sa show.”

Ang Probinsiyano” is the highest rating teleserye of ABS-CBN, making Coco the Undisputed Primetime King ng Dos.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING