Coco Martin at Kim Chiu, ginawaran ng Eduk Circle Awards

ADVERTISING

Coco Martin at Kim Chiu, ginawaran ng Eduk Circle Awards

Kim-Chiu-Coco-MartinTINGNAN MO nga naman, kahit walang lovelife ngayon si Coco Martin ay mukhang “ikinasal” na talaga siya sa kanyang career dahil sa mga bagong award at recognition na natatanggap niya bilang aktor.

Aba, recently, wagi si Coco bilang Male Showbiz Icon of the Year sa 2ndPhilippine Edition ng Icons of Year 2014. Ang Kapamilya actress na si Angel Locsin ang kanyang female counterpart.

Si Coco rin ang winner bilang Best Television Drama Actor sa katatapos lang na Eduk Circle award na nasa ika-apat na taon na ngayon sa pagbibigay ng parangal.

Wagi rin dito si Kim Chiu, ka-partner ni Coco sa Ikaw Lamang, bilang Most Influential Actress in a Film. Coco won for Juan dela Cruz at si Kim naman sa pelikulang Bride For Rent.

ADVERTISING

Ang Eduk Circle ay isang prestihiyosong award-giving body na binubuo ng mga guro, professor at mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad sa buong Pilipinas. Ang bongga naman!

Kamakailan lang, tinanghal din si Coco bilang grandslam actor ng Yahoo OMG Award dahil sa tatlong consecutive years na pagkakapanalo nito sa naturang kategorya.

Ayon kay Coco, kasal siya ngayon sa kanyang propesyon kaya wala siyang panahon sa babae. Bongga!

Dahil sa dalawang bagong awards na natanggap ni Coco, proud na proud sa kanya ang Dreamscape Entertainment at mga kasamahan sa Ikaw Lamang.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING