Coco Martin & KC Concepcion: Sexy And Dangerous

ADVERTISING

KC-Concepcion-Coco-MartinCOCO MARTIN
Real Name: Rodel Luis Nacianceno
Birth Date: November 1, 1981
Zodiac Sign: Scorpio
Symbol: The Scorpion
Ruling Planet: Pluto
Quality: Fixed
Element: Water
Basic Trait: I Desire
Closest Metal: Plutonium
Lucky Day: Tuesday

KC CONCEPCION
Real Name: Maria Kristina Cassandra Cuneta Pangilinan
Birthdate: April 9, 1985
Zodiac Sign: Aries
Symbol: The Ram
Ruling Planet: Mars
Quality: Cardinal
Element: Fire
Basic Trait: I Am
Closest Metal: Iron
Lucky Day: Tuesday

ADVERTISING

NALALAPIT NA ang pagtatapos ng teleseryeng Ikaw Lamang ng Dos, pero hindi pa rin kami tapos sa pagpapares-pares, huh! Aminado ang inyong lingkod na at first ay tumaas ang kilay namin nang malamang si KC Concepcion pala ang napipisil ng Dos na pumagitna kina Coco Martin at Kim Chiu sa Book 2 ng serye. Kulang na nga sa chemistry ang Coco-Kim, ipapasok pa ang mega daughter? Baka maging mega flop!

But no! Much to our surprise, malakas ang chemistry nina Coco at KC. Very unusual. Sexy and Dangerous nga, eh! Like!

Very private si Coco Martin pagdating sa kanyang lablayp habang rumored boyfriend diumano ni KC si Paulo Avelino. Given that they’re both ‘single’, is there a chance for a happily ever after?

ADVERTISING

Kilala ang Scorpio at Aries sa pagiging passionate. Halos lahat ng bagay ay gusto nila at kaya nilang maging independent. Gusto nilang tahakin ang tamang landas at hindi sila nagpapaapi sa iba. Sa aspetong emosyonal lang magkasalungat ang dalawa: Dapat maramdaman ng Scorpio na laging nandiyan physically ang ka-partner o gusto nitong laging nararamdaman na mahal siya. Ang Aries naman ay medyo ilang sa ganitong set-up. Mas gusto niya na may konting space sa pagitan ng iniirog.

Isa rin sa puwedeng maging problema ng dalawa ay ang pag-aaway. Madaling makalimot at maka-move on ang Aries, habang ang Scorpio naman ay may tendency na magtanim ng galit at ‘forgive, but never forget’ ang motto nito. Ang maganda sa tambalang ito ay ang kanilang teamwork. Mahuhumaling ang Scorpio sa pagiging agresibo ni Aries habang hindi naman ikukuwestyon ng isa ang diskarte ng ka-partner. Olrayt!

Madaling magkapalagayan ng loob ang babaeng Aries at lalaking Scorpio. Kung paano patitibayin ang chemistry sa pagitan nila ang matinding pagsubok. May controlling tendencies ang Aries na puwedeng ika-irita ng Scorpio. Madali ring magselos ang lalaking Scorpio lalo na kung pinaliligiran ng hunks ang syotang girlaloo. In a greater picture, puwedeng ang differences nila ang mas magpapatibay ng kanilang relasyon. Madadaan naman lahat ‘yan sa ma-bote.. este, mabuting usapan.

Ahem…. There’s big potential here! If ever pala ay hindi lang sa pelikula’t telebisyon successful sina Coco at KC. Maging sa pag-ibig ay potential hit din sila! Tumaas man ang kilay ng madlang pipol sa umpisa ng ikalawang yugto ng serye, puwede pala itong mapunta sa relationship! Push na ‘yan!

Pares-Pares

By Madam DaminCoco Martin & KC Concepcion: Sexy And Dangerous

ADVERTISING