Coco Martin, kabadong gampanan ang role ni FPJ

ADVERTISING

Coco Martin, kabadong gampanan ang role ni FPJ

Coco-MartinIKAW BA naman ang maging personal choice ni Ms. Susan Roces para gumanap sa isa sa mga mahahalagang pelikula ng yumao niyang mister na si The King Fernando Poe, Jr. (FPJ) ay kakabahan ka.

Hindi naman kasi basta-bastang project ang pelikulang Ang Probinsiyano na ginawa ni The King with sexy star Amanda Page and Dindi Gallardo noong 90’s na ngayon ay isasa-teleserye ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network.

Kaya nga kabado si Coco Martin nang malaman niya na siya ang gusto ni Manang Inday (Ms. Susan) na gumanap sa lead role. Mas kinabog ng kaba ang aktor nang malaman niya na si Ms. Charo Santos-Concio mismo ang pumili ng bida sa serye at siya nga ang napili at sinuwerte sa dinami-rami ng mga aktor ng ABS-CBN Network at Star Magic.

Sabi nga ni Coco, “It’s an honor. Aaminin ko, kabado ako. Pero nagpapasalamat ako kina Ms. Charo at Ms. Susan sa malaking break at tiwala na ibinigay nila sa akin.”

ADVERTISING

Ang serye na magpapakita ng kadakilaan ng mga kapulisan natin ay magsisimula na anytime at kabilang nga bukod kay Coco at Ms. Susan (playing his Lola) ay sina Albert Martinez, Bella Padilla, Angeline Quinto, at Arjo Atayde.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING