Coco Martin at Julia Montes, muling nabuo ang ‘pagtitinginan’

Coco Martin at Julia Montes, muling nabuo ang ‘pagtitinginan’

Coco-Martin-Julia-MontesTRENDSETTER TALAGA ang Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Mr. Deo Edrinal.

Bukod sa kakaiba ang mga teleserye na pinu-produce nila for ABS-CBN, iba rin silang mag-drumbeat at mag-promote ng kanilang projects.

Para sa tag-araw, maganda ang panimula nila with three new shows na kasama sa campaign nila ngayong tag-init para sa Dreamscape Magical Summer, kung saan ilulunsad ngayong summer season ang tatlong shows namely Inday Bote starring Alex Gonzaga with Kean Cipriano, Matteo Guidicelli, and Alonzo Muhlach; Yamashita’s Treasure nina Coco Martin at Julia Montes para sa pambagets show na Wansapanataym; at ang bagong serye nina Gerald Anderson, Pokwang, Isabelle Daza, at Coney Reyes na Nathaniel, kung saan may ipakikilala ang sila na bagong batang artista who will play a little angel.

Sa Yamashita’s Treasure, tila nabuo muli ang “something” na nasimulan nina Coco at Julia na naudlot sa seryeng Ikaw Lamang na ngayon, tila may kumpirmasyon na.

Reyted K
By RK VillaCorta