Coco Martin is courting Mercedes Cabral?!

ADVERTISING

 

Coco Martin is courting Mercedes Cabral?!

ADVERTISING

Coco Martin is courting Mercedes Cabral?!OLA CHIKKA! TULUYAN ngang naging maganda ang takbo ng career ni Coco Martin nang siya ay binigyan ng opurtunidad na ipakita ang kanyang galing sa larangan ng pag-arte nu’ng siya ay isinama sa pang-hapong serye na Ligaw na Bulaklak kasama si Roxanne Guinoo.

Ngayon ay halos wala nang pahinga itong si Coco dahil sa dami ng kanyang proyekto. Siya ay may teleserye sa Primetime Bida na Minsan Lang Kita Iibigin. Kahit na busy ang schedule nitong si Coco, hindi pa rin nawawala sa kanya ang magbigay ng oras sa kanyang masugid na nililigawan ngayon, ang indie actress na si Mercedes Cabral.

Yes! Tama ang inyong nabasa. Si Coco nga ay nanliligaw kay Mercedes Cabral ngayon. Hindi man napag-uusapan ang kanyang lovelife dahil nga kaliwa’t kanan ang ginagawa nitong mga proyekto, may oras pa rin si Coco para dalawin si Mercedes sa kanilang ta-hanan mismo.

ADVERTISING

Tama ulit ang inyong nabasa na si Coco mismo ang dumalaw sa bahay nitong si Mercedes, at nawindang ang beauty ng baguhang actress, dahil hindi niya alam na bigla na lamang darating si Coco. Nagkagulo ang mga kapitbahay at nagpa-picture-picture pa kay Coco.

Sabi pa nga ng aking source eh, nagyaya itong si Coco na mag-out-of-town sila ni Mercedes para makapag-unwind at makapag-relax man lamang, at siyempre pa, makapag-usap nang masinsinan.

 

SI MERCEDES CABRAL ang leading lady ni Coco Martin sa indie movies nilang Serbis at Kinatay. Tulad ni Coco, tuluyan na ring pinasok ni Mercedes ang mundo ng telebisyon.

Si Mercedes ang isa sa mga bida ng pinakabagong edisyon ng Precious Hearts Romances presents: Hiyas, kasama sina Zanjoe Marudo at Megan Young.

Mahusay na aktres itong si Mercedes, kaya naman nang may magkuwento sa amin na tungkol sa bawat eksena nito sa kanilang taping, ang sabi lamang ng madaldal na vaklush na nagbalita sa amin ay tunay nga namang nilalamon nang buong-buo ni Mercedes itong si Megan sa bawat eksenang kanilang kinukunan.

Kaya naman dapat talagang abangan ang mga magagandang eksenang ito, at aba-ngan kung totoo nga bang nilamon nang buo ni Mercedes itong si Megan Young. ‘Yun na!

 

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING