Coco Martin, idinenay na ‘married’ na ang status niya

ADVERTISING

Coco Martin, idinenay na ‘married’ na ang status niya

Coco Martin, idinenay na ‘married’ na ang status niyaNAGING ISYU pala ang passport ni Coco Martin at ang itinatanong sa kanya nu’ng makorner siya sa Yahoo OMG Awards ay kung “married” na ang status niya, dahil noon pa naman daw na hindi siya kasikatan pa ay nagpakasal siya sa isang Canadian.

Ito ay mariing pinabulaanan ni Coco. “Ang pokus ko po ngayon ay ang pamilya ko at wala po akong panahon sa ganyan sa ngayon.”

Na ang hamon naman ni Jobert Sucaldito sa programa nito sa radyo, ang “Mismo”, ay “Kung hindi totoo talaga ang ibinibintang nila na may asawa na si Coco, why doesn’t he show his passport before the public para magkaalaman na kung totoo o hindi, ‘di ba?

“That would end the controversy, hindi ‘yung kung anu-ano pa ang explanation. ‘Yun lang ‘yon, ‘di ba? Pakita mo passport mo, that’s it!”

ADVERTISING

Tineks namin si Jobert para sabihin sa kanyang, “Sa akin, ang nakalagay sa passport ko ay ‘M’. Pero hindi status ang tanong, kungdi ‘sex.'” Hinanap din namin kung may status sa passport, pero wala naman.

Hindi kaya ‘yung “M” sa passport ay “male” ang ibig sabihin at hindi “married”?

Anyway, noon pa naman isyu kay Coco na siya’y noon pa ikinasal, pero kung sinasabi ni Coco na hindi ito totoo, eh ‘yun na muna ang paniwalaan natin, dahil kung kasal naman si Coco, hindi ‘yon maitatago habambuhay.

 

AND SPEAKING of Coco Martin, naasar ang friend naming frequent sa Padi’s Point Tomas Morato, dahil nakita raw niya ang kalokalayk ni Coco na sumali sa It’s Showtime. Kasama nito ang isa pang kalokalayk naman ni Manny Pacquiao.

Dalawa raw ang mga itong naghapi-happy sa naturang bar, pero ang ikinaasar nang wagas ng aming friend, “Juice ko, Papa Ogie, ‘yung original Coco Martin, nakita ko na rin at pinagbigyan kaming maka-picture taking with him.

“’Etong kalokalayk ni Coco Martin, kung makaasta sa bar, nakalimutan yata niyang pirated version lang siya ni Coco at hindi siya si Coco.

“Ganito kasi ‘yon. Kasama niya si kalokalayk Pacman, ‘di ba? Nagpa-picture kami muna ke Pacman, tapos siya, ni walang reaksiyon. Tumalikod pa talaga sa amin at ayaw magpa-picture nu’ng hinihiritan na namin. Ano’ng feeling niya, sikat siya?

“Eh, buti pa si Pacman, in-accommodate talaga kami. Si pirated na Coco, deadma. Pangaralan mo nga ‘yan ‘pag nakita mo. Ipaalala mo sa kanya na nanghihiram lang siya ng identity, kaya ‘wag siyang feeling!”

Hahahaha! Nakakalokah! Baka kasi gabing-gabi, naka-shades pa rin ang potah, kaya hindi sila nakita? Eh, alam n’yo naman itong si Pirated Coco, saka lang nito nagiging kamukha ‘yung original pag naka-shades siya.

 

AH, SO pelikula na pala ang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? Kasi, mga two weeks ago, nakita ko pang dalawang bagets ang bumili ng librong ito ni Ramon Bautista, eh. Na me kasamang parang notebook, hahaha!

No, hindi ko naman binili ‘yung libro, kasi nga, meron pa kaming ibang biniling libro na hanggang ngayon, hindi pa namin tapos basahin. Lalo kaming tinatamad magbasa ‘pag alam naming an’dami na naming nakatenggang librong hindi pa nababasa.

So ito pala ngayon ay isinalin na sa movie kung saan ang bida ay sina Kim Chiu at Xian Lim sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal. Kaya pala si Ramon Bautista ang nag-voice over ng trailer, ‘no?

Hehehehe. Anyway, sa July 31 na ang showing nito. Sana, mapanood namin para masagot na ang tanong kung “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?”

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING