Coco Martin, hiyang-hiya kay Nora Aunor

ADVERTISING

Coco Martin, hiyang-hiya kay Nora Aunor

Coco_Martin-Nora_AunorMISMONG SA mga bibig ni Coco Martin nanggaling na hindi true na nangutang ng pera sa kanya si Nora Aunor na live na nag-guest sa The Buzz noong Linggo sa interview sa kanya ni Boy Abunda. Hiyang-hiyang nga si Coco kay Nora at sinabing hindi man lang naisip nu’ng nagsulat na reporter ang naging magandang relasyon ng Drama King with the Superstar sa Padre De Familia na pinagsamahan nila kung saan si Coco ang producer.

At least naklaro ‘yun. Ang panget kasi “mag-nanay” na nga ang naging relasyon nina Nora at Coco pagkatapos ng movie at nananahimik si Ate Guy at busy sa napakaraming pelikulang ginagawa, ganu’n din si Coco.

Actually, sa pagkakaalam namin, nakatakdang sampahan ng demanda ni Boy Palma, Business Manager ni Nora ang naturang reporter na nagsulat sa walang katotohanang isyu. May malisya ang nasulat dahil isang Vilmanian si reporter.

Anyway, handang-handa na si Coco sa una niyang pakikipagtambal kay Sarah Geronimo sa Maybe This Time na showing na sa May 28. In fairness, based sa trailer na napanood namin ay may magandang chemistry ang dalawa. Lalo pa’t kapwa natural umarte plus the fact na parehong maka-pamilya ang dalawa kaya siguradong super-blockbuster ang unang pelikula nila.

ADVERTISING

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING