Coco Martin, hinarap na ang isyung kinasangkutan sa Bench show

ADVERTISING

Coco Martin, hinarap na ang isyung kinasangkutan sa Bench show

Coco-MartinBINASAG NA ni Coco Martin ang kanyang katahimikan sa isyung kumaladkad sa kanya sa kahihiyan just because he allowed himself to be part of a segment sa Naked Truth ng Bench na INSENSITIVE. Howls of protest permeated on social media at naglabas din ang Gabriela ng statement na kino-condemn ang nangyaring pambababoy sa modelong ginawang parang aso sa fashion show.

Sa text message ni Coco kay Kris Aquino ay nag-sorry siya. “Ate Kris, good afternoon. Nakapag-usap na po kami kaninan ni Atty. Lorna Kapunan. Maraming-maraming salamat sa ‘yo at sa pamilya mo sa pag-alala at suporta sa akin sa panahon ng hindi ko inaasahang pagsubok sa hinaharap ko ngayon.”

The actor was brave enough to own up his mistake, saying, “Honestly po, sobra akong nalungkot sa mga nangyari. Inaamin ko po ang pagkukukang ko dahil dala na rin po ng pagod sa araw-araw na trabaho, hindi ko nakita ang malalim na kahulugan ng pinagawa sa akin sa Bench Fashion show.

“Humihingi po ako ng patawad at pag-intindi sa mga kinuukulan kasama ang pangako na magiging mas sensitibo ako sa mga isyung may patungkol sa karapatang pantao at pangkababaihan.

ADVERTISING

“Ate Kris, alam mo gaano kahalaga sa akin ang lola ko, ang mommy ko at mga kapatid kong babae. Hindi ko magagawang tahasang mang-insulto ng babae sa anumang paraan. Marami po akong natutunan sa nangyaring ito. Una sa lahat ang responsibilidad na kakabit ng aking trabaho,” pagtatapos ni Coco.

Actually, ang may fault din dito ay ang manager ni Coco. Sana ay nakita nila ang buong senaryo at hindi lang ‘yung tanggap sila nang tanggap ng project for the actor. Also, Coco is to be blamed because he allowed himself to be instrumental in this degrading act. What Coco and his manager lacked is FORESIGHT, something that is not VERY COMMON among people in showbiz!!!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING