Coco Martin, hands-on director ng pelikula niyang “Ang Panday”

ADVERTISING

Coco Martin, hands-on director ng pelikula niyang "Ang Panday"

Coco Martin, hands-on director ng pelikula niyang "Ang Panday"Nakakabilib itong si Coco Martin. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang energy nya para pagsabayin ang multi-tasking job niya bilang isang artista at director ng MMFF 2017 entry niya na “Ang Panday”.

As actor, very physical ang ginagawa niya sa FPJ’s Ang Probinsiyano at bilang si Flavio sa “Ang Panday”. Aside from acting sa aksyon serye niya at sa ginagawang pelikula ay malaki din ang responsibilidad niya as actor-director na ginagawa niya.

Sabi sa amin na isang betereno na taga-pelikula ay dapat may passion ka sa ginagawa mo para hindi mo maramdaman ang stress sa ginagawa mo.

Bilib kami kay Coco na kahit stressful ang ginagawa niya as film director ay naitatawid niya pareho ang commitment niya bilang atista-direktor.

ADVERTISING

Kaloka ka Coco at keri mo pagsabayin ang mga ito. I just don’t know kung may weekend rest ka pa.

As of writing ay natapos na ni Coco ang 1/3 part ng Ang Panday (The Movie) kung saan napabalita na mayroon 80 na mga artista ang nag-volunteer para mag-guest sa 1st directorial film niya.

Si Mariel de Leon ang leading lady niya sa pelikula na kinabibilangan din ni Jake Cuenca playing the kontrabida karakter na si Lizardo kay Flavio.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING