Coco Martin, gustuhin man, ‘di magawang mapalapit kay Julia Montes

ADVERTISING

Coco Martin, gustuhin man, ‘di magawang mapalapit kay Julia Montes

Coco Martin, gustuhin man, ‘di magawang mapalapit kay Julia MontesSa kanyang magarang haybols lang somewhere in Fairview nagpahinga ang aktor na si Coco Martin nitong Holy Week.

Kung ang ibang mga kasamahan niya ay kung saan-saang beach at nag-outing, or ang iba’y nag-out of the country as their yearly Holy Week vacay, si Coco Martin, mas gustong makasama ang kanyang pamilya nitong Holy Week.

Sa katunayan, binawi ng Coco sa ilang araw na pagbabakasyon ang pamamahinga, kasama na rin ang pagtitika niya sa private chapel sa loob ng kanyang bahay, kung saan minsan na ring ipinakita sa show ni Kris Aquino na Kris TV noon.

Sa mga hindi nakaaalam, halos araw-araw ang taping ng aktor para sa kanyang hit serye na “Ang Probinsiyano” na produced ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network, na based on the latest survey ay numero uno pa rin sa over-all standing ang action-serye sa primetime na napanonood after TV Patrol.

ADVERTISING

No wonder, sa pagiging busy ni Coco, tama ang sabi ng isang malapit na kabigan ng aktor na “no time for love” si Coco dahil sa kanyang hectic schedules, bukod pa sa mga out of town schedules niya, kung saan binibsita niya ang iba’t ibang probinsiya sa Pilipinas para pasalamatan ang mga tumatangkilik sa kanilang show. Kahit date sa girlfriend niya (sabi si Julia Montes daw talaga ang babaeng nilalayag ni Coco) ay hindi niya magawa dahilan sa kabisihan.

Kaya nga isa sa tatlong aktres na gusto niyang makasama sa trabaho bukod kina Bea Alonzo at Angel Locsin, gusto niya muling makasama si Julia Montes sa trabaho (tulad ng huli nilang pantaserye na Wansapanataym).

Kantiyaw nga raw ng mga kaibigang aktor, kanya-kanyang pamamaraan lang daw ‘yan at diskarte kung papaano mapalalapit lalo si Julia kay Coco.

Balita pang nakarating sa amin, aabutin pa raw hanggang December ang action-serye ni Coco na halos araw-araw kung regular kang nanonod ay mabibitin ka sa mga eksena ni Cardo, lalo na sa umiigting na bangayan nila ni Joaquin played by Arjo Atayde.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING