Coco Martin, ginagamit ng grupong Gabriela

ADVERTISING

Coco Martin, ginagamit ng grupong Gabriela

Coco-MartinAYAN, TULOY na tuloy na ang panggagamit ng Gabriela at ng Philippine Commission On Women kay Coco Martin.

Nag-sorry recently si Coco sa dalawang grupo ng kababaihan dahil sa controversial na segment sa The Naked Truth event ng Bench kung saan nakatali ang babae at hawak niya ang tali nito nang rumampa siya. Naging malaking issue ito at nag-issue pa ng public apology ang binata.

To show his sincerity, nakipag-meeting si Coco sa dalawang grupo at inayos ang gusot.

And now, pinaghahandaan na ng dalawang women’s group ang panggagamit kay Coco. Gusto nilang kunin ang tulong nito sa pagpapalaganap ng kanilang kampanya para isulong ang karapatan ng mga kababaihan.

ADVERTISING

Nagtataka lang kami, bakit hindi nakisawsaw ang dalawang women’s group na ito nang masangkot ang isang kapwa nila babae, si Janet Napoles, sa multi-billion peso pork barrel scam? Bakit tila bulag, pipi at bingi sila kapag kapwa nila babae ang nasasangkot?

Isinusulong n’yo ang karapatan ng kababaihan, eh, paano naman ang mga babaeng katulad ni Janet Napoles, bakit wala kayong say? Proud ba kayo sa ginawa ng kapwa ninyo babaeng si Janet?

Ang feeling namin, talagang gagamitin ng grupo si Coco matapos nilang makisawsaw sa issue!!!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING