Coco Martin, dumalaw sa libingan ni FPJ!

ADVERTISING

Coco Martin, dumalaw sa libingan ni FPJ!

 

Coco Martin, dumalaw sa libingan ni FPJ!
Coco Martin

NAGBIGAY PUGAY at humingi ng gabay ang Primetime King na si Coco Martin sa kanyang idolo na yumaong  Fernando Poe Jr.

 
Dumalaw ito sa puntod ni FPJ nu’ng Huwebes. Nag-alay  siya ng taimtim na dasal at nagpasalamat dahil sa matagaumpay na serye niyang “FPJ’s Ang Probinsyano”. Humingi rin siya ng gabay sa bago niyang pelikula na “Ang Panday” na kung saan ay siya rin ang magdidirek.
 
Dinaanan niya muna  ang libingan ni FPJ bago siya nagpunta sa first shooting day ng “Ang Panday”.

-0o0-
 
JAKE ZYRUS, DAPAT MAGPATULI
 
Coco Martin, dumalaw sa libingan ni FPJ!NOON PA tinutukso sina Aiza Seguerra at Charice Pempengco  na bagay diumano sa pagsamahin sa isang concert at ang magiging title ayang kantang  “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa”?
 
Pero mukhang mas maayos at may direksyon  ang buhay, lovelife at career ni Aiza kumpara kay Charice na ngayon ay kilala na sa bagong pangalan na ‘Jake Zyrus’.
 
Pero, suportado ni Aiza kung ano  man ang desisyon ni Charice na magpalit ng pangalan.
“Kung ang pangalan ay isa lamang hadlang sa pagpapalaya ng totoo mong pagkatao, wala akong nakikitang masama sa pag palit nito. #congratsjake”
 
Tama naman, kung saan masaya si Charice, hayaan na siya dahil wala naman siyang tinatapakang tao. Buhay naman niya ‘yan.
 
Katawa nga ang reaksyon ng isang netizen na dapat daw magpatuli na rin si Jake Zyrus.
 
Whew!

 

‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro

ADVERTISING
ADVERTISING