Coco Martin, dismayado sa inendorsong pulitiko, mag-iingat na raw sa susunod

Coco-MartinKUNG INAAKALA ng marami na ang bagong aksyon serye ni Coco Martin na Ang Probinsiyano na magsisimula na sa September sa Kapamilya Network ay isang material ng pangangampanya para kay Sen. Grace Poe dahil si Ms. Susan Roces plays lola ng aktor sa serye, nagkakamali ang marami. Hindi raw pinag-uusapan nina Coco at Ms. Susan si Sen. Grace at ang plano nito sa darating na eleksyon sa 2016.

“Ang pinag-uusapan po namin ay ‘yong personal, at hindi ang tungkol sa plano na magra-run si Sen. Grace sa pagka-presidente,” kuwento ng aktor sa media.

Hindi man niya hayagang pinangalanan kung sino ang kandidato na sinuportahan niya, gusto ng aktor na maging maingat na sa kandidatong ie-endorse niya sa national election sa 2016.

“Lahat naman tayo naghahanap na rin ng pagbabago, hindi lang para sa ating mga sarili, kundi para na sa ating mga magiging anak, sa ating pamilya o sa lipunan natin,” sabi ni Coco.

Ang akala ng marami sa simula, bago at tunay na makatuulong sa bayan ay nagiging trapo (read: traditional politician). “Kasi nakakapagod, nakakasawa. Parang may mga tao kang tinulungan, tapos magugulat ka na ganu’n pala ‘yung nangyari. Ayaw ko nang maulit ‘yon,” panigurado ng aktor.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleDennis Trillo, ipinagtanggol ni Direk Joel Lamangan sa pagkakapili sa ‘Felix Manalo’
Next articleMarian Rivera, pati magiging anak damay sa tindi ng galit ng basher

No posts to display