Coco Martin, ‘di nagpa-double sa eksenang inililibing nang buhay

ADVERTISING

Coco Martin, ‘di nagpa-double sa eksenang inililibing nang buhay

Coco-MartinCoco Martin, inilibing nang buhay!

No, hindi ito nangyari sa movie niya with Sarah Geronimo entitled Maybe This Time na showing na sa May 28.
Romance comedy ‘yon. Ang eksenang inilibing siya nang buhay ay nangyari sa Ikaw Lamang.
Dahil nga ikakasal na si Kim Chiu kay Jake Cuenca ay umeksena si Coco at itinanan si Kim.
Ang kaso, nahuli sila, kaya si Ronaldo Valdez ay nakaisip na ilibing siya nang buhay.
“Totoo ‘yon. Hindi nagpa-double si Coco. Gusto niya, siya talaga ang ililibing.
“Kaya ‘yung kada pala ng lupa na isinasaboy sa katawan at mukha ni Coco, imadyinin mo ‘yung mga oras na hindi siya humihinga?
“Dahil ‘pag huminga siya, masisinghot niya ‘yung lupang nakatabon sa mukha niya.
“Abangan mo, one take ‘yon, bibilib ka ke Coco,” sabi pa ng kausap naming staff.
Ikaw na, Coco!

PERSONAL NA ‘to. Gusto ko lang magpasalamat ke Direk Jerry Lopez Sineneng, dahil ipinagkatiwala niya sa akin ang isang napakaimportanteng role sa Maybe This Time movie nina Sarah at Coco.
Sabi nga namin, usually, ‘pag dalawa ang bida, meron silang respective sounding board o ‘yung taong hingahan nila ng sama ng loob o bestfriend.
Pero sa movie na ito ay kami ang talagang sumasalo ng pasaringan at mga sama nila ng loob.
Sa 40 plus movies na nagawa namin, ngayon lang namin na-feel na parang “bida” kami sa isang pelikula.
Feeling lang naman, kaya ibigay n’yo na sa amin ‘yon. Hahahah!
O sa May 28 na ang showing nito ha? Maganda ang movie na to, promise.
Nakasabit ako sa mga sikat, kaya feeling sikat na rin ako. Hahaha! Feeling lang naman. Pagbigyan n’yo na kami.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING
ADVERTISING