Coco martin, ‘di nagkamali sa pagpili kay Arjo Atayde bilang kontrabida niya

ADVERTISING

Coco martin, ‘di nagkamali sa pagpili kay Arjo Atayde bilang kontrabida niya

Coco-Martin-Arjo-AtaydeHINDI NGA nagkamali si Coco Martin sa pagpili kay Arjo Atayde bilang numero unong kontrabida niya sa “Ang Probinsyano”. Wala kaming marinig kundi papuri kay Arjo mula sa mga suki ng said serye.

Masang-masa nga ang serye ni Coco kung kaya naman hindi ito bumababa sa ratings nito na 40 percent pataas.

Very effective na kontrabida si Arjo. Nagulat nga kami kay Nanay na may ari ng isang carenderia sa may Roces Avenue na nagpahayag ito ng “Ang galing ng batang si Arjo, bilib na bilib ako, idol ko na ang batang ‘yan.”

“Siyempre si Coco rin. Mahusay silang dalawa,” dagdag pa ni Nanay.

ADVERTISING

 

HOW TRUE na kulang na kulang promotions ng teleseyeng “Walang Iwanan” ng Kapamilya Network, kung ikukumpara sa ibang mga seryeng magsisimula?

Sayang kung hindi ito maipo-promote ng husto, magagaling pa namang aktor ang mga gumaganap dito.

Unang-una na nga ang magaling na mga artistang sina John Estrada at Jhong Hilario. At isama pa natin ang mga batang nagsisiganap dito.

Sayang kasi, maganda pa naman ang istorya. May palakasan nga ba? Nagtatanong lang po.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING