Coco Martin, ‘di na makukuwestiyon ang pagiging primetime king

ADVERTISING

Coco Martin, ‘di na makukuwestiyon ang pagiging primetime king

Coco-MartinWalang kuwestiyon na talagang si Coco Martin ngayon ang primetime king ng ABS-CBN, dahil hindi naman siya nababakante sa paglabas sa mga teleserye. Patok lagi at nagtatagal sa ere ang mga pinagbibidahan niyang serye, ‘tulad ng “Ang Probinsiyano” na ilang buwan na ring napanonood. Dahil sa kaabalahan niya sa TV kaya kulang na kulang siya sa panahon para makasingit na makagawa ng pelikula, kaya happy siya na naisingit niyang tapusin ang movie nila ni Vice Ganda.

Magkasama kasi sila ngayon sa pelikulang “Beauty And The Bestie” ng Star Cinema na kasali sa Metro Manila Film Festival. Mula sa pagiging indie actor na sumabak sa pagpapaseksi noon, hanggang sa maging importanteng dramatic actor ng Kapamilya network, hindi pa masyadong gamay ni Coco Martin ang sumabak sa comedy. Pero sa pagkakataong ito, pumayag siya sa unang dahilan na kaibigan niya ang host ng “It’s Showtime!” kaya tiwala siyang hindi siya malalamon ng istilo ni Vice sa pagpapatawa.

Hindi na bumabata si Coco, at hindi niya iyon halos namamalayan. Kasi nga, magmula nang sumikat siya bilang dramatic actor ay puro siya trabaho. Pinanindigan niya talaga na iingatan niya ang kanyang career, ganu’n din ang kanyang kinikita sa pag-aartista. Simple pa rin siya hanggang ngayon, pero isa na siya sa pinakamayaman sa hanay ng mga artistang sikat sa Dos. Mahalaga para sa kanya ang bawat piso na kanyang kinikita. Hindi siya maingay pagdating sa kanyang lovelife, pero iyon na talaga ang inaabangan sa kanya ngayon, na makapag-asawa na rin siya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING