Coco Martin, ‘di matinag ng mga pangit na intriga

ADVERTISING

Coco Martin, ‘di matinag ng mga pangit na intriga

Coco-MartinKAPAG HITIK sa bunga, daming gustong pumukol. Sa kasong ito, hindi nalalayo si Coco Martin.

Tulad sa kaso ng sinasabing anak dumano niya sa starlet na si Katerine Luna na minsan ay nakilala niya noong baguhan pa lang siya.

Para makaagaw-pansin, idineklara kaagad ng staret na anak ni Coco ang bata na iniluwal niya. Sa katunayan, negative pa nga ang dating dahil lumalabas na hindi sinusuportahan ng aktor ang bata na sa totoo lang naman ang akor mismo ang nagsabi na hindi niya alam.

Pero tulad ng kasabihan that the truth will prevail, lumabas din ang katotohanan na hindi kay Coco ang bata matapos ang DNA test.

ADVERTISING

Tahimik lang kasi ang aktor kahit may pumupuna at nang-iintriga sa kanya. During interviews namin kay Coco sa ilang mga encounters with the actor, malayo sa katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya.

Basta kami, naniniwala sa aktor. Basta kami personally, mas panghaawakan namin ang kuwento ng ibang mga tao na nakatrabaho na ni Coco na magaganda ang sinasabi tungkol sa pag-uugali niya kaysa sa sampu-samperang kuwentong barbero na sa simula pa lang ay may “drama” na at kung ano man ang agenda meron sila para buwagin ang aktor na ngayon ay nagtatamasa ng magandang suwerte sa buhay at sa kanyang career.

Today ang simula ng Maybe This Time na pelikulang pagsasamahan nila ni Sarah Geronimo. Sayang nga lang at sa pisikal kong kondisyon, malamang sa hindi ay hindi ko na naman mapapanood ang pelikula sa favorite kong Gateway Cineplex at maghihintay na naman ako ng pirated DVD copy para ma-enjoy ang “romance” nina Tonio at Stephanie sa direksyon ni Jerry Sineneng.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING