Coco Martin, bibida sa teleserye remake ng pelikula ni FPJ

Coco Martin, bibida sa teleserye remake ng pelikula ni FPJ

Coco-MartinSOBRANG LAKI talaga ng tiwala ni Ma’am Charo Santos, ang presidente at CEO ng ABS-CBN sa Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo Endrinal. Sa short speech ni Ma’am Charo during the closed-door meeting para formal na bigyan ng go-signal ang paggawa ng bagong teleseryeng Ang Probinsiyano na inspired sa classic film ni Fernando Poe Jr., sinabi nito na napakalaki ng tiwala niya sa Dreamscape.

“Alam ko na mabibigyan nila ng dangal ang proyektong ito. Malaking challenge ito kay Coco Martin, pero alam kong kakayanin niya ito,” sey pa ni Ma’m Charo.

Present din sa announcement ng FPJ’s Ang Probinsyano teleserye si Miss Susan Roces, asawa ni Da King who will play lola to Coco, Albert Martinez, Angeline Quinto, Jaime Fabregas, at ang bagong Kapamilya star na si Bela Padilla.

Bagama’t natsa-challenge, sobrang proud naman si Coco na sa kanya ipinagkatiwala ang TV version ng Ang Probinsyano. “Masayang-masaya po ako at ipinapangako ko na pagbubutihan ko lalo ang trabaho ko rito. Tinatanggap ko po ang bagong challenge na ito,” sambit pa niya.

Anytime soon ay magsisimula na silang mag-taping para sa bagong teleserye na ipalalabas sa taong ito.

La Boka
by Leo Bukas