Coco Martin & Bela Padilla: Love Me Like You Do

ADVERTISING

Coco-Martin-Bella-PadillaCOCO MARTIN
Real Name: Rodel Pacheco Nacianceno
Birthdate: November 1, 1981
Zodiac Sign: Scorpio

BELA PADILLA
Real Name: Krista Valle Sullivan
Birthdate: May 3, 1991
Zodiac Sign: Taurus

ADVERTISING

MULING PINATUNAYAN ni Coco Martin na siya ang pinaka-bankable na Primetime Leading Man ng ABS-CBN sa TV version ng “Ang Probinsyano”, na unang ginampanan sa big screen ni Da King FPJ. Marami ang nasabik sa pagbabalik ni Coco sa panggabing viewing habit ng mga loyal fans dahil hindi lahat ng tao ay natuwa sa heavy dramang “Ikaw Lamang”. At least dito, may comedy, may drama, may action, at may labing-labing pa!

Pasok din sa teleserye ang ex-Kapuso favorite na si Bela Padilla. Alam n’yo ba na sa Dos nag-umpisa si Bela? Ang tunay na pangalan (Krista Valle) pa ang gamit nitong screen name then lumipat sa TV5 at pagkatalon sa GMA ay naging Bela Padilla na.

Originally, ang CocoJam (Coco-Maja) ang ibinebenta sa viewers na loveteam ng programa. Habang tumatagal ay mas tumatatak ang obvious chemistry ng CocoBel. In real life kaya, may chance?

ADVERTISING

Malakas ang attraction sa pagitan ng Scorpio at Taurus. Medyo challenge lang para sa dalawa in terms of intellectual level dahil magkaiba sila ng istilo sa pakikipag-usap. Kung malagpasan nila ito, masasabi na ang love match nila ang isa sa pinakamagandang tambalan sa zodiac in terms of compatibility. Pareho silang may pagka-possessive, pero mas seloso ang Scorpio. Magde-demand ito ng bonggang emotional attachment sa Taurus, na maaaring pagsimulan ng ‘di pagkakaintindihan.

Sa totoo lang, parehong matigas ang ulo ng dalawa, huh! Trip nila na sila palagi ang nasusunod. Dahil dito, kailangan nilang matutong mag-compromise sa isa’t isa. Kung minsan ay hirap nilang i-express ang kanilang nararamdaman kaya napu-frustrate sila. Kahit natural sa magdyowa na minsa’y may duda sa ka-partner, wala naman talagang totoong isyu na dapat pag-awayan (unless gusto lang nilang magpapansin!). Pareho silang loyal at basta magkaroon sila ng personal space from time to time, ang relasyong ito ay maghi-hit ng jackpot! Wow!

Kung ang babaeng Taurus ay nag-iisip na makipag-relasyon sa isang Scorpio, kailangan nitong maghanda. Tulad ng nabanggit ko kanina, may pagka-stubborn ang dalawang ito kaya kailangan nilang magbigay ng espasyo at lawakan ang pang-uunawa. Kung matutunan nilang respetuhin ang kanilang differences at suportahan ang kani-kanilang passion, bonggang romance ang ending nito!

Uyyyy…. May tsansa naman pala talaga ang CocoBel! Parang magandang love song lang, ‘di ba? Kilig!

Pares-Pares

By Madam DaminCoco Martin & Bela Padilla: Love Me Like You Do

ADVERTISING