Coco Martin, ayaw paligawan si Julia Montes sa iba

Coco Martin, ayaw paligawan si Julia Montes sa iba

Julia-Montes-Coco-MartinHINDI NIYA nakalilimutan ang mga kaibigan at mga kasama noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz. Ang tinutukoy namin ay si Coco Martin. Sa katunayan, mas nauna pa nga niyang maimbitahan ang mga naging kaibigan niya (mula noon, hanggang ngayon) na nakasama niya sa mga pelikulang indie, kung saan ten years ago ay rito siya nagsimula at nangarap.

After 10 years, malayo-layo na rin naman ang narating ng aktor pero sabi ng mga kaibigan niya, hindi pa rin nagbabago si Coco. Kami man, mula noon, ganu’n pa rin ang warm welcome ni Rodel (ang tunay na pangalan ni Coco) sa amin kapag nagkikita kami.

After 10 years, ano nga ba ang nagbago sa aktor? Nakapagpatayo siya ng magarbong bahay sa may bandang Fairview, kung saan sa bloke ng lote na nabili niya, naipagpatayo rin niya ang magulang niya at mga kapatid ng sarili nilang tirahan.

Nabigyan niya ng konting negosyo ang mga kapatid. Tuloy pa rin ang pagta-tricycle ng pamilya niya, kung saan may ilang mga tricycle na pumapasada para sa pang-araw-araw nilang gastusin.

Pagbibida ng aktor sa press launch ng Dreamcape Entertainment’s Wansapanatym’s ‘Yamishita’s Treasures na pagsasamahan nila muli ni Julia Montes na mapapanood na this coming Sunday , March 22, proud na proud si Coco na i-share sa press ang magandang balita ng pagbabago sa kanya.

Ewan ko kung alam ng mga kapatid niya na part ng ilang portion ng lupa na nabili niya ay nakapangalan sa mga kapatid niya. May isang kilalalang chain of salon na nakabili rin siya ng franchise at ngayon nga ay balak din niyang bumili pa ng isa para panigurado lang para sa kinabukasan ng mga mahal niya sa buhay.

“Alam ko kasi na hindi stable ang showbiz. Ngayon, kilala ka. Ngayon, left and right ang projects mo. Pero hanggang kalian ito? Walang kasiguraduhan,” kuwento niya.

Kung material na bagay lang siguro, sa loob ng sampung taon na pagtatrabaho ni Coco, sapat na marahil para sa kanyang magiging pamilya sa hinaharap.

‘Yun nga lang, zero lovelife pa rin ang aktor. Hindi pa rin malinaw ang tungkol sa kanila ni Julia, na ewan ko kung bakit ayaw pang aminin ng aktor na nanliligaw siya sa young actress, gayong pareho naman sila na walang sabit.

Pero nakapagtataka, hindi man sila ni Julia ang mag-on, may konting “demand” si Coco sa kapareha. Ayaw niya si Julia na maligawan ng ibang mga binata. P’wede ba ‘yun?

Reyted K
By RK VillaCorta