Coco Martin, ayaw madaliin ang love angle nila ni Maja Salvador kahit isang taon nang umeere ang kanilang serye

ADVERTISING

Coco Martin, ayaw madaliin ang love angle nila ni Maja Salvador kahit isang taon nang umeere ang kanilang serye

Coco Martin & Maja Salvador
Coco Martin & Maja Salvador

One year na palang umeere ngayong July ang primetime series ni Coco Martin na “Ang Probinsyano” sa ABS-CBN. Kapareha ni Coco si Maja Salvador sa series, pero wala pang gaanong love angle sa kanilang mga character.

“Kasi kung papansinin n’yo siya, ‘yung show is a hero story, eh. Hindi siya ‘yung typical na love story na ano… ganyan. Kaya parang kami, ‘pag inaano namin siya sa creative, ayaw naming madaliin.

“Kasi siyempre, naglu-look forward kami na mahaba ‘to. Kasi, imaginin n’yo, kapag nagkadebelopan na kami ni Maj and then dire-diretso na ‘yon. And siyempre, bilang policeman, siyempre magiging careful na ako sa kanya, hindi ko na ‘yon pagtatrabahuhin,” paliwanag ng actor.

Patuloy pa niya, “Ayoko siyang bigyan ng kumplikasyon. Kasi siyempre, bilang pulis, pulis din si Maja Salvador, hero rin siya, eh. Kapag pumasok na ‘yung sa love story, mapipigilan na kaming… lalo na episodic kami. Kumbaga, ang tendency, parang inaano namin na bawat character napupuntahan, kaya nga pinasok namin si John Prats para magkaroon ng love triangle.

ADVERTISING

“Kumbaga, gusto rin namin na buong-buo ‘yung kuwento niya (Maja), sa pamilya niya, kuwento niya sa akin, kay John Prats, sa trabaho niya. Kasi minsan, may episode kami na ang buong episode na ‘yon ay kay Maja, kung paano niya iso-solve ‘yung case, parang ganu’n.”

Sigurado raw kasing magkakaroopn ng limitasyon kapag nagka-inlaban na sila sa “Ang Probinsyano”.

“Ayaw naming bigyan ng limitasyon baka mamaya, mahirapan kami. Pero sabi ko nga, tatakbo at tatakbo ‘yan (love story), kasi siyempre, kumbaga dahan-dahan lang,” sabi pa ni Coco Martin.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING