Coco Martin at Sarah Geronimo, magtatambal sa pelikula

ADVERTISING

Coco Martin at Sarah Geronimo, magtatambal sa pelikula

Sarah-Geronimo-Coco-Martin Coco-Martin-Sarah-GeronimoPAGKATAPOS NG Padre de Familia with Nora Aunor,  totoo nga bang gagawa ng movie sina Coco Martin at Sarah Geronimo?

So awat-John Lloyd Cruz ba muna si Sarah at awat-teleserye muna si Coco para makapag-concentrate sa pelikula?

So far, puro box-office hits ang ginagawa ni Sarah, at si Coco naman ay pinatunayan na ang pagiging PrimeTime King. Wish namin for Coco ay ito nang Sarah-Coco ang tumalo kung nakagawa man ng record noon ang Coco-Angeline Quinto at Coco-Julia Montes.

Meron kasing gano’n, ‘di ba? Like si John Lloyd, parang mas malakas siya sa movies kesa sa teleserye (ang huli niya ay 8 weeks lang ang itinagal yata, ‘yung A Beautiful Affair). Tapos, si Coco naman, laging nangunguna sa ratings ang kanyang teleserye, pero hindi masyadong maingay ‘pag gumagawa ng movies.

ADVERTISING

So, let’s see. Sana nga, mahuli na ni Coco ang kiliti ng moviegoers, lalo na’t si Sarah pa ang makakasama niya.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING