Coco Martin at Maja Salvador, posibleng magka-inlaban

ADVERTISING

Coco Martin at Maja Salvador, posibleng magka-inlaban

Maja-Salvador-Coco-MartinMAY LOVE angle ba na mamumuo sa set ng bagong aksyon seryeng Ang Probinsiyano na bida si Coco Martin at Maja Salvador?

ADVERTISING

The fact na walang kumpirmasyon kung sina Coco at Julia Montes ba talaga ang magkarelasyon, si Maja na loveless ngayon (ano kaya ang ganap nila ni Paulo Avelino?), hindi maihihiwalay ang bali-balita na “baka nga” lalo pa’t sa pagiging karinyoso at maalaga ni Coco sa kanyang leading lady, hindi malayo na mahulog ang loob ng dalaga sa aktor.

Sa pagsisimula ng serye sa Lunes, September 28, pagkatapos ng TV Patrol, simula na rin ng mas maiging “samahan” nina Coco at Maja.

‘Di nga ba’t may love team na nga noon pa ang dalawa na naunsyami lang na ang tawag sa kanila ay CocoJam.

ADVERTISING

Sa serye, makasasama ng dalawa ang aktor na si Arjo Atayde who plays “kontrabida” kay Coco sa serye. Aside from Arjo, kasama rin sa serye sina Agot Isidro, Dennis Padilla, Joey Marquez, at Ms. Susan Roces who plays “lola” of Coco.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING