Coco Martin at Julia Montes, pinasaya ang batang may cancer!

Coco Martin at Julia Montes, pinasaya ang batang may cancer!

Coco Martin at Julia Montes, pinasaya ang batang may cancer!

AYAW NIYA ng kamera. Pero hindi na namin ipinagpaalam sa kanya na kukunan namin ang pagtatagpo nila ng kanyang number one fan na si Angelica.

Si Angelica ay 16 years old sufferring from lymphoma (4th stage na ang cancer). Pito silang magkakapatid sa Kalinga, Apayao. Pero ulila nang lubos.

Napatay ng mga NPA ang tatay niya at ang nanay naman niya’y nahulog sa dyip at namatay rin. Hiwa-hiwalay na silang magkakapatid at “napakasuwerte” namang sa kanya kumapit ang lymphoma.

Tinawagan kami ng staff ng ChildHaus Foundation na si Daydee at nakiusap itong baka puwede naming dalhin si Angelica sa kanyang idol.

Eh, tamang-tama namang me taping kami that time ng Walang Hanggan, kaya kami na mismo ang umayos para makita ni Angelica ang kanyang idol.

Ayun, natulala na si Angelica nu’ng kumustahin at yakapin siya ng kanyang idol na si Coco Martin.

“Pasensiya na po, Sir, dahil ‘yang si Angelica, eversince, wala nang kibo ‘yan. Kahit me sumasakit na sa kanya, tinitiis niya lang, dahil nga helpless din siya, eh,” sey ni Daydee.

Sandaling nakipag-usap si Coco kay Angelica at ganu’n din si Katerina, este, si Julia Montes na nangako namang tutulu-ngan si Angelica para mapanood naman nito nang live si Sarah Geronimo sa Sarah G. Live!

Maliit na bagay ‘yon sa mga artista, pero alam nilang mala-king bagay para sa isang bata sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay.

Sana nga, lumakas si Ange-lica sa mga yakap ng bisig nina Coco at Julia.

 

NAKAKATUWANG MAKITA sina Joey Marquez at Alma Moreno on cam na nag-iinterbyuhan. At napanood ito nu’ng Sabado sa Showbiz Inside Report, kung saan ininterbyu ni Tsong si Ness tungkol sa topic na Magkarelasyon noon, Magkaibigan ngayon.”

Actually, kahit si Kris Aquino, wala ring problema kay Tsong na mainterbyu ang Queen of Talk, eh. “Depende sa kanya kung gusto niya at pagbibigyan tayo.”

 

ALAM N’YO bang lahat ng anak ni Joey Marquez ay nasa kanya ang karamihan? “Ang saya sa bahay. Mahilig din kasi ako sa bata, eh. At nakakatuwa sila, dahil buo ang relasyon nila hindi porke magkakaiba sila ng mother.

“Kahit nga nagsipag-asawa na sila ng iba, nasa akin pa rin ang mga anak ko, eh. Walang problema. Sila ang strength at weakness ko.”

In fairness to Tsong, wala siyang nakarelasyon na nagsabing wala siyang kuwentang ama.

 

BINUBUYO NAMIN si Janice de Belen na bongga sana kung maiinterbyu niya si John Estrada, pero sa tono ng salita ni Janice, parang ayaw niya.

Ayon kay Janice, may mga bagay-bagay pa raw silang dapat na ayusin para maging maliwanag. Although hiwalay na talaga sila, pero ayaw raw naman niyang magpaka-plastik, dahil hindi sila okay, sa totoo lang.

Samantalang si Carmina, anytime, puwede niyang interbyuhin ang ex-husband niyang si Rustom Padilla na ngayon ay isa nang BB Gandanghari.

“Dahil wala na sa akin, eh. Masaya na ‘ko, naka-move on na at happy ako with Zoren (Legaspi), kaya go lang nang go!

“Ang tanong, gusto ba naman niya?” asked pa ni Mina.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz