Coco Martin at Julia Montes, muling magtatambal

ADVERTISING

Coco Martin at Julia Montes, muling magtatambal

Coco Martin at Julia Montes, muling magtatambalMULING MAGTATAMBAL sina Coco Martin at Julia Montes sa isang malaking proyekto. Unang kinakiligan ang kanilang loveteam bilang sina Daniel at Katerina sa top-rating primetime teleserye na Walang Hanggan. Matapos ang teleserye, walang hanggan naman ang pagdagsa ng mga kahilingan mula sa kanilang mga masusugid na tagahanga na muling makitang magkasama ang dalawa.

Now, their long wait is finally over because Coco and Julia will be next seen on the movie A Moment in Time which is partly shot in Europe. The two stars shot scenes in The Netherlands, particularly in Amsterdam. A Moment in Time is Star Cinema’s Valentine’s Day offering.

Sa direksyon ni Manny Palo, kasama rin sa pelikula sina Gabby Concepcion, Cherie Gil at Ella Cruz.

Speaking of Ella, who plays the title role in ABS-CBN afternoon series Aryana, she says it’s a dream come true for her to be working with Coco. Siya ang gaganap bilang nakababatang kapatid ni Coco sa pelikula.

ADVERTISING

In an interview with Push.com.ph, Ella only has good words about Coco. She says, “Sobrang galing ni Kuya Co umakting. Pati ako nadadala. Ultimo rehearsal pa lang, blocking pa lang, nararamdaman ko na iyong emosyon niya. Kaya parang napapadali iyong trabaho namin.”

“Minsan pa sasabihin niya, ‘O El, proseso ha? Kailangan dahan-dahanin mo ito’. Ang dami ko ring natututunan sa kanya lalo na sa mabibigat na eksena naming dalawa,” kuwento niya.

Ngayon pa lang ay natitiyak ko nang papatok sa takilya ang A Moment in Time dahil sa magandang kuwento at mga mahuhusay na artistang kasama rito.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING