Coco Martin & Angeline Quinto: When TV and Music Collide

Coco Martin & Angeline Quinto: When TV and Music CollideCOCO MARTIN

Real Name: Rodel Luis Nacianceno

Birth Date: November 1, 1981

Zodiac Sign: Scorpio

Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Quality: Fixed

Element: Water

Basic Trait: I Desire

Closest Metal: Plutonium

Lucky Day: Tuesday

 

ANGELINE QUINTO

Full Name: Angeline Quinto

Birthdate:November 26, 1989

Zodiac Sign: Sagittarius

Symbol: The Archer

Ruling Planet: Jupiter

Quality: Mutable

Element: Fire

Basic Trait: I Perceive

Closest Metal: Tin

Lucky Day: Thursday

Lucky Colors: Beige, Bronze, Blue, Indigo, Purple, Red and Violet

 

THE PRINCE of Primetime meets the Female Pop Superstar. Ang taray rin talaga ng bagong romance-comedy film na ‘Born To Love You’ nina Coco Martin at Angeline Quinto, huh? In fairness, may kilig factor naman kaming naramdaman upon watching the full trailer. Sa katunayan nga, naalala namin ang tambalang Binoe-Regine mula sa pelikulang ‘Kailangan Ko’y Ikaw’ shown a decade ago dahil sa makulit na ‘ahit’ scene. Ahihi!

Maituturing na sugal ang tambalang ito. Bilang debut movie ni Angeline, pressure ito sa kanya kung tatanggapin siya ng madla bilang isang taartits. Sa leading man status ni Coco, pasan niya ang responsibilidad na maakit ang mga fans n’ya na kiligin naman sa big screen.

Dahil pareho namang single ang dalawa (weh?!), naisip namin ang posibilidad na maging sila in real life. Tutal, first kiss diumano ni Angeline si Coco. Are they born for each other?

Ang Scorpio at Sagittarius ay sobrang magkasalungat. Kilala sa pagiging light-hearted ang Sagittarius sa bawat aspeto ng kanyang buhay at bihira itong magdamdam sa mga bagay-bagay. Sa kabilang banda, ang Scorpio naman ay masyadong passionate sa mga bagay na importante sa kanya. Dedma naman ito sa mga inaayawan niya. Ang pagiging stubborn nito ay maaaring maging sanhi ng pag-aaway nila ng Sagittarius. Wah!

Introvert na maituturing ang Scorpio. Mas trip niya na makasalumuha lamang ang mga taong importante sa kanya. Ang Sagittarius naman ay may happy-go-lucky vibe kaya ang buhay nito ay open book for the world to read!

Hindi naman sa inaayawan namin ang pares na ito, pero isang malaking pagsubok para sa dalawang ito ang kanilang pagsasama. Communication is the key and Adjustment is a must. Parang mga karakter lang nila sa bagong pelikula ang peg in real life, pansin n’yo? Kunsabagay, if they are really born for each other, hindi magiging hadlang ang zodiac signs nila para sa isang panandaliang relasyon. How to make it last is the biggest challenge.

 

Pares-Pares

By Madam DaminCoco Martin & Angeline Quinto: When TV and Music Collide