Coco Martin, aminadong mahina sa Ingles

Coco Martin, aminadong mahina sa Ingles

1 Coco-MartinNAPAKA-CANDID NI Coco Martin nu’ng humarap sa presscon ng You’re My Boss na showing na sa Black Saturday, April 4.

Napaka-candid kasi walang kaprete-pretensiyon sa katawan at hindi pa-know-it-all ang drama. Meron kasing iba, feeling nila, alam na nila lahat.

Si Coco, itsinika pa na, “Mahina kasi ako sa Ingles, hindi rin ako sanay, kaya talagang nagpapaturo ako. Tulad ng minsan, may eksena kami ni Toni na kailangan kong mag-Ingles.

“Very supportive. Since siya ang kaeksena ko at sa akin nakatutok ang kamera, ibinubulong niya sa akin ‘yung dayalog ko sa Ingles. Ang kaso, naririnig na siya at pati buka ng bibig niya, nahahalata sa kamera.”

‘Yun lang na aminado siyang mahina siya sa Ingles ay sapat na para mahalin siya ng mga fans. Eh, alam mo naman ang mga fans, magpakatotoo ka lang, sila ang magtatanggol sa ‘yo sa oras na kailangan mo ng depensa.

‘Yung trailer ng You’re My Boss ay para ring That Thing Called Tadhana ang peg. Puma-punchline at nagwa-one liner na hindi mo makakalimutan.

Eh, obvious ba? Ang direktor ay ang direktor din ng That Thing Called Tadhana na si Antoinette Jadaone na kung ano ang uso, ‘yun din ang dapat na makita sa pelikulang ito ng Star Cinema.

Kuwento pa ni Direk Jadaone, “Meron din siyang mga Ingles dito na sa kanya na nanggaling, kaya matutuwa kayo sa movie.”

Na-curious na tuloy akong panoorin ito.

Oh My G!
by Ogie Diaz