Coco Martin, abut-abot ang sorry kay Nora Aunor

ADVERTISING

Coco Martin, abut-abot ang sorry kay Nora Aunor

Nora-Aunor-Coco-MartinHINDI NA nakaiwas si Coco Martin na sagutin ang isyung inutangan siya ni Nora Aunor at anak kay Katerine Luna sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz last Sunday.

“Hindi ko anak ‘yung bata. Honestly, nasaktan ako dahil bumalik sa akin ‘yung lahat ng nakaraan. ‘Yung masasakit na salitang inabot ko mula sa iba’t ibang opinion ng tao. Pati lola ko, nahihiyang lumabas kasi parang napaka-iresponsable kong tao.

“Sana lang naisip din ‘yung bata. Kasi lahat ng mga kamag-anak niya, mga kalaro. I’m sure kapag napapanood ako, ‘yan ang daddy ko! Ang laking damage nu’ng nangyaring ‘yun.

“On my part, gusto kong akuin ‘yung bata kasi wala siyang kasalanan. Hindi ko alam kung anong puwedeng puntahan. ‘Yung pinakainasahan niyang hope, ‘yung inaasahan niya, wala na.

ADVERTISING

“Pero ipinaliwanag naman sa akin ng manager ko (Biboy Arboleda) na puwede pa rin nating matulungan ‘yung bata na magkaroon ng magandang kinabukasan,” pahayag ni Coco na leading man ni Sarah Geronimo sa Maybe This Time under Star Cinema na idinirek ni Jerry Sineneng.

Sa isyu naman na inutangan siya ni Nora Aunor. Apektadong-apektado raw siya sa nasabing isyu. Gusto niyang malaman kung saan nanggaling ang nasabing isyu.

“Ang sakit kasi, nakakainis. Alam ninyo ba ‘yung taong sinasabihan ninyo nang ganoon,” say ni Coco.

Pinagdiinan ni Coco na walang katotohanan na inutangan siya ng Superstar na si Ms Nora Aunor.

“Nag-text po ako kay Ate Guy para humingi ng sorry. Ang haba ng text ko. Tapos hindi ko alam na nag-text pala siya (Nora) sa akin ng tatlong beses. Ang problema, hindi ko natanggap.

“Malaki ang utang na loob ko kay Ate Guy. ‘Yung pumayag siyang makasama ko sa movie ay napakalaking utang na loob na ‘yon.

“Alam ko nagtatampo siya sa akin. Hindi ako papayag hangga’t hindi ko nakaklaro at hindi ko nalilinis ‘yung kung sino man ang taong sumulat nu’n para sirain kami,” paglilinaw pa ni Coco.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING