Clumsy Ninja, narito kami to the rescue!

ADVERTISING

Clumsy Ninja, narito kami to the rescue!

HINDI NA uso ngayon ang teenage mutant ninja turtles! Ibang ninja na ang trending ngayon sa mga bagets. Ang ninja na may kakaibang angking… kalamyaan? Oo, kalamyaan, siya na nga ang sikat na sikat na si Clumsy Ninja.

ADVERTISING

Nalaro mo na ba ang Clumsy Ninja sa inyong smart phone? Kung hindi pa, i-download na ito sa playstore kung kayo ay naka-Android o App store kung kayo naman ay naka iPhone at i-train ang inyong ninja. Ang larong ito ay tungkol sa isang malamyang ninja na para bang hindi ninja kung kumilos. Alam naman nating kapag isang ninja ang pinag-uusapan, aba… aba… aba! Handa ito, maagap at hindi nagpapahuli at nagpapatalo.

Pero sa larong ito, ang ninja na narito ay kabaligtaran ng mga tipikal na ninja. Hindi na siguro nakapagtataka pa kung bakit Clumsy Ninja ang tawag. Ang mission natin ay i-train ang clumsy ninja na ito para lumakas at maging isang mahusay na ninja. Bakit kailangan natin siyang i-train o palakasin sa larong ito? Kailangan siyang palakasin para mailigtas niya ang babaeng mahal niya na dinukot. Ganito kasi ‘yan. Ang babaeng iyon ay mahusay na ninja. Isang araw, habang silang dalawa ay nag-eensayo, may biglang dumating na maraming kalaban. Kahit ba sabihin pa natin na magaling ang babaeng ninja kung batugan at lalamya-lamya si Clumsy Ninja, wala nga naman silang kalaban-laban. Kaya ayun, dinukot na lamang ang walang kalaban-laban na pinakamamahal na babaeng ninja ni Clumsy Ninja. Biruin mo, bukod tanging picture na lamang ng mahal niya ang nakita niyang naiwan sa engkwentrong naganap. Kaya, agad-agad niya itong pinulot para magsilbi sa kanya bilang lakas at motibasyon upang mailigtas at mabawi ang taong pinakamamahal niya sa mga masasamang loob na kalaban.

May malaking papel tayo na gagampanan sa misyon ni Clumsy Ninja. Iyon ay ang tulungan siya upang maging isang certified na ninja! ‘Yung totoong ninja na walang inaatrasan na laban. Lalo na kung mahal pa nila ang pinag-uusapan, tumpak walang laban silang puwede isakripisyo na matalo.

ADVERTISING

 

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

ADVERTISING