Closure nina Beauty Gonzales at Joem Bascon sa ‘Pusong Ligaw’ mas tinutukan

ADVERTISING

Closure nina Beauty Gonzales at Joem Bascon sa ‘Pusong Ligaw’ mas tinutukan

Closure nina Beauty Gonzales at Joem Bascon sa ‘Pusong Ligaw’ mas tinutukan
Joem Bascon sa ‘Pusong Ligaw’

MAS TINUTUKAN ng mga manonood ang paghingi ng tawad ni Caloy (Joem Bascon) kay Tessa (Beauty Gonzales) sa Kapamilya afternoon series na Pusong Ligaw kumpara sa bago nitong katapat na programa. 

ADVERTISING

Base sa datos mula sa Kantar Media, nakakuha ang Pusong Ligaw ng national TV rating na 15.3% mula sa pinagsamang urban at rural homes kontra sa Impostora na mayroong 13.1%.

Closure nina Beauty Gonzales at Joem Bascon sa ‘Pusong Ligaw’ mas tinutukan
Beauty Gonzales

Gumagamit ang Kantar Media ng 2,610 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa sa pangangalap nito ng datos – mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 2,000 na kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area. 

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano’y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.

ADVERTISING

Anyway, sa naturang episode, nasaksihan ng mga manonood ang closure na naganap sa pagitan nina Caloy at Tessa, ngunit hindi inaasahang nakita ito ni Jaime (Raymond Bagatsing). Dahil sa mga nakita, iisipin ni Jaime na nagkabalikan na ang dalawa. 

Sa kabilang banda naman, nagkapalagayan na ng loob ang karakter nina Diego Loyzaga at Sofia  Andres. When asked kung ganun din ba sila sa totoong buhay, napangiti lang ang dalawa.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING