CLOSURE AFTER 12 YEARS: Ryan Bang, minaliit ang sarili kaya hininto ang panliligaw kay Yeng Constantino

MADAMI ang na-intriga at nanghinayang sa sinapit ng ‘bittersweet’ love story sa pagitan ng Kapamilya stars at It’s Showtime mainstays na sina Ryan Bang at Yeng Constantino.

Noong Biyernes ay hindi sinasadyang maungkat ang nakaraan ng dalawa. Noon pala ay nanligaw si Ryan kay Yeng, pero bigla na lang siya nawala ng parang bula at hindi na nagparamdam.

CLOSURE AFTER 12 YEARS: Ryan Bang, minaliit ang sarili kaya hininto ang panliligaw kay Yeng Constantino
Ryan Bang and Yeng Constantino

“Nahihiya ako sa sarili ko na baka hindi ako para sayo.” pag-amin ni Ryan sa January 29, Saturday episode ng It’s Showtime.

Inamin ni Ryan Bang na hindi siya nakatulog a night before dahil sa mga rebelasyong natuklasan niya. May pag-asa pala sana siya na sagutin ni Yeng kung mas naging open ang kanilang komunikasyon.

“Pumapasok sa isip ko yung mga what ifs. Sa 12 years na wala ako pag-asa, akala ko ayaw mo sa’kin. Kaya ako naduwag sa sarili ko,” sambit ni Ryan na buong gabing trending sa Twitter dahil sa “closure” nila ni Yeng.

“Di ko tinutuloy yung naramdaman ko sayo. Di ko napanindigan kasi natakot din ako sa sarili ko.”

Naging honest naman si Ryan sa pag-amin na akala niya’y wala siyang pag-asa dahil sa dami ng nanliligaw kay Yeng noon, tingin niya ay wala siyang pag-asa dahil hindi pa siya ‘financially capable’. Php 3,000 nga lang daw ang TF niya noong mga panahon na iyon.

Walang pera at sariling kotse, madalas ay nakikisabay pa siya sa van ng Pop Rock Princess.

Nagbalik-tanaw din ito sa pagkakataon na sila ay nag-date sa Bonifacio Global City o BGC. Doon nakaramdam ng insecurities si Ryan dahil hindi pa niya afford na ilibre ang buong pamilya ni Yeng kahit gusto niya.

“Tuwing kumakain kami siya nagbabayad eh. Di ko kaya BGC. Gusto ko talaga manlibre nun,” pag-amin ng binata.

Noong panahon din daw na iyon ay marami nang tagahanga si Yeng. Lagi itong dinudumog ng mga fans habang siya ay isang newbie pa lamang.

“Nahihiya ako sa sarili ko na baka di ako para sa’yo. Yun yung naramdaman ko. Kahit totoo yung naramdaman ko sayo at minahal naman kita,” sambit ni Ryan na umani ng palakpak sa studio.

Akala naman ni Yeng ay naartehan at napagod na sa kahihintay si Ryan sa kanya.

“Nung time na yun, akala ko naartehan na si Ryan Bang sa’kin. Na-feel ko nun yung…galing ako sa conservative family. Wag ka pa-party. Pag gabi wag na lalabas. Siguro napagod na si Ryan sa kakaantay,” paliwanag naman ng singer.

Kahit hindi sila nagkatuluyan sa dulo, nagpasalamat pa rin si Yeng sa dating manliligaw.

“Salamat kasi sa short period of time na ipinaramdam mo sa’kin na special ako at importante ako, nung time na yun sobrang nag-matter yun sakin. What I want us to take from this experience is yung saya na nadulot natin sa isa’t isa nung time na yun,” sambit pa ni Yeng.

Ayon naman sa mga It’s Showtime host, sana daw ay huwag na ikahiya ni Ryan Bang ang kanyang sarili dahil may angking kagwapuhan naman ito.

Ginamit na rin ni Yeng ang episode bilang oportunidad na linawin na ang kanyang hit single na ‘Chinito’ ay hindi tungkol kay Ryan. Sa katunayan, ay sinulat ito ng kanyang kaibigan na lalaki na ang original title ay ‘Chinita’. Nagustuhan niya ito kaya nagrecord siya ng kanyang version na minahal ng madlang pipol.

On the other hand, ang isa pa niyang kanta na ‘B.A.B.A.Y.’ ay inspired sa nangyari sa pagitan nila ni Ryan Bang.

At dahil d’yan, maraming viewers ang nakarelate sa bittersweet ending ng #RYeng. At least may closure na, ‘di ba?
Previous articleSheena Halili may realizations tungkol sa pagiging ina
Next articleSef Cadayona, Kat Galang at Patricia Coma, one happy family sa ‘Regal Studio Presents: Me and My House Daddy’