Cloe Barreto sa sampal ni Jaclyn Jose: ‘Flattered ako!’

Leo Bukas

NASAMPAL ng award-winning actress na si Jaclyn Jose si Cloe Barreto sa isang eksena sa psycho thriller movie na Tahan written by Quinn Carrillo and directed by Bobby Bonifacio Jr.

“Natuwa po ako kasi nasampal po ako ni Ms. Jaclyn. Ha-ha-ha! Flattered po ako.  Pag-uwi ko po hanggang bahay, ninanamnam ko pa rin yung sampal. Hinahawakan ko yung mukha ko.

Cloe Barreto sa sampal ni Jaclyn Jose: ‘Flattered ako!’
Jaclyn Jose and Cloe Barreto

“Kasi, sa totoo lang po, hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon kaya sobrang memorable po sa akin yung nangyari,” kinikilig na kuwento ng sexy star sa digital mediacon ng Tahan.

Noon pa man ay very vocal na si Cloe sa kanyang admiration sa Canne best actress kaya nakaramdam siya ng matinding kaba at hiya nung makaharap na ang aktres.

Aniya, “Sobrang idol ko po si Ms. Jaclyn. Yung unang kita po namin sobrang nahihiya po ako na kinakabahan kasi first time ko po siyang maka-work tapos idol ko pa po. Nu’ng nag-usap po kami sa make-up area, sabi ko po, ‘Nahihiya po kasi ako sa inyo kasi idol ko po kayo.’ Sabi niya, ‘Hindi, wag ka mahiya.’ Tapos ang dami niya na pong tinuro sa akin.

“Nu’ng una pong eksena namin, kinakabahan ako kasi na-starstruck po ako. Sobrang idol ko po talaga siya, as in. Nung nag-usap na po kami, tinuruan niya po ako para hindi daw ako mahiya,” kuwento ng sexy star.

Ayon pa kay Cloe, hindi rin niya malilimutan  kung paano siya kinomfort ni Jaclyn para mawala  mawala ang kanyang kaba kapag may eksena silang dalawa.

“Hinawakan niya yung kamay ko. Tapos hinalikan niya po  yong noo ko para daw po ma-kampante ako kasi kinakabahan po talaga ako,” lahad pa ni Cloe.

Ibinahagi rin ni Cloe kung ano ang magandang lesson na ipinayo sa kanya ni  Jaclyn para  mas maging madali ang mga ginagawa niyang sex scenes.

“She told me na sa bedscenes, umpisa pa lang, gawin mo na nang maayos kasi kung hindi, ipapaulit lang sa’yo. So I learned na dapat, ibigay mo na agad ang hinihingi ng director para take one lang lagi ang sex scenes.

Cloe Barreto sa sampal ni Jaclyn Jose: ‘Flattered ako!’
Cloe Barreto

“I also learned from Ms. Jaclyn the importance of being more open to your co-stars. This helps for you to have a good  exchange ng ideas para mas mapaganda ang mga eksena ninyo,” lahad  ng sexy star.

“First time ko ring gumawa ng  psycho-thriller. Ako dito si Elise, isang escort girl na ibinubugaw ng sarili niyang ina (Jaclyn). Tapos isa-isang namamatay ang mga lalaking nakaka-sex ko, with my mom as the killer,” pagbabahagi din niya about ger role Sa pelikula.

Samantala, maliban kay Jaclyn, kasama rin ni Cloe ang versatile actor na si JC Santos sa pelikulang Tahan na mapapanood simula July 22 sa Vivamax.

Previous articleLotlot de Leon sobrang proud kay Nora Aunor
Next articleVLOG WATCH: Bonding Time ng ‘Migas’ na sina Kim Chiu, Melai Cantiveros at Maymay Entrata