Cloe Barreto parang hindi baguhan kung umarte sa ‘Silab’

Leo Bukas

NASA post production na ang pelikulang Silab na launching movie ng sexy star na si Cloe Barreto. The film is directed by Joel Lamangan, written by Raquel Villavicencio and produced by 3:16 Media Network.

Base sa mga uncut rushes ng pelikula ay kinakitaan na agad ng husay sa pag-arte si Cloe. Parang hindi siya first-timer actress dahil nagawa niya nang maayos ang kanyang role na siyempre ay ikinatuwa ni Direk Joel.

Cloe Barreto parang hindi baguhan kung umarte sa ‘Silab’
Cloe Barreto

Wala ring takot na nakipagsabayan si Cloe sa mga eksena niya with Chanda Romero and Lotlot de Leon na kasama rin sa Silab.

“Hindi po ako na-intimidate sa kanila. Mas ginawa ko silang mga inspirasyon para magawa ko nang maayos ang trabaho ko,” katwiran ni Cloe.

Si Jason Abalos ang isa sa leading man ni Cloe sa Silab. Pero meron pa siyang isang kapareha – si Marco Gomez na isang Austrian-based singer na sinusubukang gumawa ng pangalan sa Pilipinas.

Eh, bakit nga ba lumabas agad ang husay niya sa pag-arte? Saan ba ito nanggagaling?

Cloe Barreto parang hindi baguhan kung umarte sa ‘Silab’
Cloe Barreto

Sagot ni Cloe, “Gustung-gusto ko po kasi talagang mag-artista noon pa kaya ngayong nabigyan ako ng pagkakataon ibinuhos ko na lahat. Tinanggal ko na rin lahat ng inhibitions sa katawan ko para  walang masabi si Direk Joel.”

May mga nag-aapoy na eksena si Cloe sa Silab kasama sina Jason at Marco. Kakaiba rin ang ending ng pelikula na kung hindi kami nagkakamali ay first time na mapapanood ng mga tao.

Anyway, si Cloe ay member ng all-female group na Belladonas na nawalan ng mga gigs at out of town shows last year dahil sa pandemic.