Cloe Barreto, only choice ni Quinn Carrillo habang sinusulat ang script ‘Tahan’

Leo Bukas

AYON SA screenwriter ng pelikulang Tahan na si Quinn Carillo ay si Cloe Barreto talaga ang nasa isip niya habang sinusulat ang script ng Tahan na isang psychological thriller movie.

“Habang sinusulat ko po ito sina Ms Jaclyn Jose and Cloe talaga yung nasa isip ko para gumanap sa project na ito,” ani Quinn na katatapos lang magdiwang ng kanyang birthday.

Cloe Barreto, only choice ni Quinn Carrillo habang sinusulat ang script ‘Tahan’
Quinn Carillo and Cloe Barretto of Tahan

“Some parts of the upcoming movie were also based on true stories. Pero hindi ko na lang sasabihin kung sino,” dagdag pa ni Quinn na artista rin sa Tahan.

Naging emotional naman si Cloe nang malamang muli siyang bibida sa pelikula pagkatapos i-launch sa pelikulang Silab last year.

“Sabi niya, ‘Girl, may sinusulat akong movie at puwedeng ikaw ang maging bida rito.’ Sabi ko, bilisan mo na, gawin na natin,’” kuwento ni Cloe.

Si Quinn ay anak ng manager-producer ng 3:16 Media Network na si Len Carrillo at kagrupo rin ni Cloe sa all-female group na Belladonas.

Co-producer naman ni Len sa Tahan si John Brian Diamante.

Cloe Barreto, only choice ni Quinn Carrillo habang sinusulat ang script ‘Tahan’
Cast and crew of Tahan

Samantala, bukod kay Jaclyn ay kasama rin sa pelikula si JC Santos na ayon sa aktor ay excited na makatrabaho ang mga baguhang artista.

“I like working with new actors, kasi madami rin po silang ibibigay na bago po, eh. Updated version lang sila. May matutunan tayo na bago,” sey ni JC.

Meanwhile, nasa cast din ng Tahan sina Karl Medina, AJ Oteyza, Mac Cardona, Mercedes Cabral, EJ Salamante, Joseph San Jose, at Stiff Banzon.

Magsisimula na ang syuting ng Tahan na ididirek ni Bobby Bonifacio Jr. pagkatapos ng Holy Week.

Previous articleSharon Cuneta saludo kay Coco Martin: ‘I have nothing but respect for him’
Next article5 South Korean Films to be shown this April 2022