Clique V, nalagasan ng isang member

ADVERTISING

Clique V, nalagasan ng isang member

Clique V, nalagasan ng isang member
Clique V

INAMIN ng management team ng rising all-male group na Clique V na totoong nalagasan sila ng isang miyembro. Hindi na nakakasama ng grupong nagpe-perform sa mga campus tours at shows si Josh.

Ayon kay Len Carillo, “leave of absence” ang dahilan ng pagkawala ni Josh. Ayaw rin niyang magbigay ng iba pang detalye kung bakit nag-leave of absence ang binata.

Sa ngayon ay 6 na lang ang natitirang original member ng Clique V at sila ay sina Karl, Rocky, Tim, Sean, Clay at Marco. May nadagdag namang new member – sina Blaize at Kaizer.

Open din ang grupo sa idea na magkaroon sila ng bagong member lalo pa nga’t may nangangamoy na balitang meron pang 2 members ang magli-leave of absence din.

ADVERTISING

Samantala, tanggap naman ng manager ng grupo na hindi talaga maiiwasang may umaalis o mawawala sa Clique V.

 “It happens naman kahit sa anong grupo. Hindi naman bago yon. Yung iba nga nadi-disband pa, eh. Ang maganda sa Clique V solid pa rin sila kahit may nawala,” reaksyon ng manager ng grupo.

Samantala, nabuo ang Clique V noong November 2017 at ini-launh naman ang kanilang self-titled album noong February 2018.

Naging carrier single ng kanilang album ang kantang Pwede Ba, TekaMuna na nilikha ni Joven Tan.

Kasama rin sa album ang mga kantang Ako Nalang Sana, Bakit Hindi, Magmula Ngayon,  Mabuti Nalang at Sana Naman.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING