Claudine Barretto, walong taon na raw inaabuso ni Raymart Santiago

ADVERTISING

Claudine Barretto, walong taon na raw inaabuso ni Raymart Santiago

Claudine Barretto, walong taon na raw inaabuso ni Raymart SantiagoSENTRO NGAYON ng controversy ang paghihiwalay ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago. Kailan lang, nagpunta ang actress sa Marikina Regional Trial Court para humingi ng Temporary Protection Order na nagbabawal na lapitan silang mag-iina ng asawa nitong si Raymart. Ayon sa attorney ni Claudine na si Ferdinand Topacio, 2005 pa raw nakararanas na ng pang-aabuso si Claudine sa asawang si Raymart.

Hindi na in-elaborate ni Atty. Topacio ang mga detalye. Ang tanging nasabi lang nito, physical, verbal, psychological and even economical abuse ang naranasan ni Claudine sa asawa. Pero nagbigay ng pahayag ang actress sa 24 Oras. “Wala akong intensiyon na sirain ang pagkatao ng asawa ko. I just want to protect my children and myself.”

Ayon sa kampo ni Claudine, kaya napilitang mag-file ng TRO ang controversial actress ay dahil sa mapanirang post sa social media ng mga kaanak ni Raymart na labis na nakasakit sa damdamin ni Claudine at ng kanyang mga anak. “Kaya nga humantong sa ganito. Kaya iwan ko na lang sa korte ang lahat,” say ni Claudine.

Nakarating agad kay Raymart ang balita kaya agad kinakausap ng actor ang kanyang mga abogado para maglabas sila ng statement tungkol sa pangyayaring ito.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING