Claudine Barretto, walang choice kundi maging magkaibigan sila ni Raymart Santiago

Claudine Barretto, walang choice kundi maging magkaibigan sila ni Raymart Santiago

Claudine-Barretto-Raymart-SantiagoSABI NI Claudine Barretto, magkaibigan na raw sila ngayon ng ex-husband niyang si Raymart Santiago. Early part of this year daw sila naging okey.

“We’re so blessed kasi sa Branch 192 ng Marikina, si Judhe Geraldine Macaraeg, we both acknowledge… both kay Raymart at sa akin na talagang iniupo niya kami,” sabi ng aktres. “At ipinaintindi sa amin na… hindi tama itong ginagawa ninyo, you have to stop it. Inano talaga kami and… ‘yon! After that, ‘yong relationship namin as friends.”

There’s no other choice for them ni Raymart but to be friends because they have children?

“Yeah. Pinag-usapan namin… wala kaming ibang magagawa,” kundi ang magkaroon ng magkaibigan na relasyon nila ni Raymart ang ibig niyang sabihin.

For the past couple of years, ang daming nangyari. Ang daming napanood ng publiko sa TV at ang daming naisulat tungkol sa kanilang dalawa. Ano ba ang tama at hindi tama na kanyang nagawa? At ano rin ang tama at hindi tama na nagawa sa kanya?

“‘Yong mga hindi tama na nagawa, siguro… ‘yong I allowed  myself talaga to be taken advantage of. And siguro, I gave too much sa mga taong who really… who are supposed to matter talaga in my life. And then, I think ‘yong mga hindi tama (na nagawa naman sa kanya) is… ‘yong betrayal, ‘yong lahat ng pasakit na nagawa ng mga nakasakit sa akin.”

Fresh ang aura at blooming talaga ang beauty niya ngayon. Senyales na talagang masaya siya sa kanyang comeback sa ABS-CBN. Matagal din siyang nagpahinga. Taong 2011 nang tumigil siya sa pagiging aktibo sa kanyang career. Sa panahong ito, hindi naman daw nawawalan ng offers si Claudine. Pero siya raw talaga ang tumatanggi na tumanggap ng anumang project.

“It was really a choice,” aniya. “It was a very painful choice. Because nga of… if Raymart and I did not get separated. E, ‘di sana hindi ako kailangang tumutok talaga sa mga anak ko. Kailangang may isang parent na talagang consistently na nando’n para tumutok.”

But there was never a moment na pumasok sa isip niya na she’ll never gonna get back to the business anymore?

“No. No… no… no!”

Kumusta ang kanyang relasyon sa ABS-CBN?

“Okey na okey!” sabay ngiti ni Claudine. “I’m very happy. I was here when we were talking about… like doing some projects sa TV and also ‘yong movie namin na Etiquettes For Mistresses. And parang siyempre, I was so… na-miss ko, e. Na-miss ko talaga. Na-miss ko lahat. And parang everything… ang daming nagbago. Pero the people are still the same.”

Excited daw si Claudine para sa pelikula nila ni Kris na Etiquettes Of Mistresses na hango sa libro which was first published in 1993. Kasama nila rito sina Kim Chiu at Iza Calzado sa direksiyon ni Chito Roño.

Ano ba ang pelikulang ito? Is it celebrating the mistresses? Ano ba ang takbo ng istorya nito?

“It’s not celebrating mistresses. It’s not glorifying them. But it’s not condemning them either. It’s like… alam mo ‘yon? You chose your life. And there are so many people na kilala natin, minsan kaibigan natin… na napasok sa gano’ng situwasyon. So, ang hirap mag-judge. Kasi I really believe that there is not one woman in this world who would want to be a mistress.”

What kind of a mistress is she sa pelikulang ito?

“Ay, naku, ako ‘yong mistress na… siyempre lahat naman ng wives ang ultimate na ikinatatakot nila o nightmare ay may mistress ‘yong asawa nila. Pero ako ‘yong mistress na hindi talaga… na kakatakutan talaga ng lahat. Na sasabihin ng mga wives… sana huwag ako (‘yong character niya bilang si Chloie) ang mistress ng asawa nila. Kasi… nightmare talaga!” tawa ni Claudine.

Ang role kasi ni Claudine ay ‘yong mistress na palaban, nagmumura, at nanunugod pa.

“I break the rules. Na parang ako pa ang may karapatan at hindi ‘yong wife. Na… nang-aasar pa sa asawa. And of course marami talagang tao na gano’n. Kaya… exciting!”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan