Claudine Barretto: ‘Wala akong utang kahit na kanino, kahit kay Ms. Jinkee Pacquiao’

Leo Bukas

TOTOO nga bang baon sa utang si Claudine Barretto kay Jinkee Pacquiao na kaibigan niya at ninang ng kanyang anak na si Santino?

Ayon kasi sa ayaw mamatay-matay na balita, may pinasukan diumanong business transaction ang aktres na hindi naging successful at ang perang pinuhunan niya dito ay utang kay Jinkee.

Claudine Barretto: 'Wala akong utang kahit na kanino, kahit kay Ms. Jinkee Pacquiao'
Claudine Barretto

“Alam niyo ho, sa una kasi hindi mo naman papansinin pag ganyan di ba? Kaya lang, minsan pag hindi na mamatay-matay yung tsismis, nakaka-bother na rin. Unang-una kasi, nakakahiya kasi nada-drag yung pangalan ni Jinkee.

“Kaklaruhin ko ngayon pa lang na wala akong kahit na anong utang kahit na kanino, kahit kay Ms. Jinkee Pacquiao,” paglilinaw ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Facebook Live.

Ayon pa kay Claudine kinausap niya rin si Jinkee para humingi ng permiso na lilinawin niya ang kumakalat na isyu.

Aniya, “Hindi ako mayaman pero hindi rin ako waldas sa pera.”

Nagbitiw din ng salita si Claudine  na aware siya kung kanino nanggaling ang tsismis tungkol sa kanya. Sa naturang Facebook live ay nagpasalamat din si Claudine at kapatid niyang si Gretchen Barretto na present din sa FB live kay Jinkee sa paglilinaw nito na walang utang  sa kanya si Claudine.

Dagdag pa ni Claudine, hindi raw siya baon sa utang na pera kay Jinkee kundi baon sa utang na loob sa mag-asawang Pacquiao dahil hindi nito pinabayaan ang kanyang mga anak.

“Sinong nagkakalat niyan, babe? Hindi kaya ate mo?” tanong ni Greta kay Claudine.

Patuloy na sabi ni Gretchen sa nakababatang kapatid, “Bakit ka ba inaapi, ha? Tinawagan ka pa niya kagabi, di ba? What time was that? Nasa cellphone mo, 2 something ng umaga tapos yung boses ng ex-mayor nandon din di ba?”

Claudine Barretto: 'Wala akong utang kahit na kanino, kahit kay Ms. Jinkee Pacquiao'
Claudine Barretto

Nag-react naman ang mga netizen at tinanong kung sino ang tinutukoy ni Gretchen. At sinagot naman siya nito ng, “One of these days po sasagutin namin ang lahat ng mga nangyayari because a lot of people are also curious kung bakit kami live nang live.”

“Meron kaming mga gustong sabihin na nagpipigil pa kami. Ayaw namin ng away, we just want peace. There are things that we want to clear because kailangan. There are also some things that kailangan idaan din sa lawyer.

“Now, we’d rather not talk about it yet, para fair yung trial na yon. I feel like Claudine wants to clear her name and get justice,” palaisipan pa ring pahayag ni Gretchen.