Claudine Barretto, tuloy na ang pagbabalik sa Dos?

Claudine Barretto, tuloy na ang pagbabalik sa Dos?

Claudine-BarrettoMUKHANG TOTOO ang balita na babalik na nga si Claudine Barretto sa ABS-CBN, dahil nag-post siya sa kanyang Instagram account ng mga larawan niya sa one on one niya kay Boy Abunda na nakatakdang ilabas sa The Buzz this coming Sunday.

Matagal nang tsismis ang tungkol sa pagbabalik niya sa Dos at lagi naman itong pinabubulaan ng Kapamilya Network. Ang latest ngang nakarating sa amin ay pagsasamahin daw sila ni Judy Ann Santos sa isang proyekto, pero ‘di klaro kung sa telebisyon o sa pelikula?

Sa isang interview naman kay Juday noon, nasabi raw yata nito na may nakarating nga raw sa kanyang balita na pagsasamahin sila ni Claudine, pero wala pa raw talagang konkretong offer.

Sa Instagram post ni Claudine, ang tangging nasabi lang niya ay abangan daw ang kanyang one on one interview sa The Buzz this Sunday, na siyempre ikinatuwa ng kanyang mga fans at followers.

Well, sana nga ay totoo na magiging active na muli si Claudine sa pag-arte ,dahil aminin man o hindi ng mga galit sa actress, isang mahusay at magaling na artista ito.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo