Claudine Barretto, tuloy na ang movie project

ADVERTISING

Claudine Barretto, tuloy na ang movie project

Claudine-BarrettoMASAYANG IKINUWENTO sa amin ni Direk Wenn Deramas, na tuloy na ang movie project nila ni Claudine Barretto under Viva Films and Star Cinema. Halos sabay uumpisahan niya ang movie nina Claudine at Pokwang. Hindi pa alam ni Direk Wenn kung sino ang magiging leading man ng actress. Umaasa silang pumayag si Piolo Pascual, magbalik-tambalan uli sila after Milan.

“Inaalok kay Piolo ng Star Cinema itong project with Claudine. Nagkasama kaming tatlo sa “Walang kapalit”. Naging magandang-maganda ang rating nito, suwerte ‘yun. Ang laki ng kita ng ABS doon, dahil ang script namin ay nasa 13 or 15 script lamang.”

Bukod sa napakaganda ng istorya, may kakaibang ipakikita si Claudine sa pelikula, tsika sa amin ni Direk Wenn. “Yes, sabi ko nga, mararamdaman ng tao na maganda ‘yung project. Nang ikinukuwento ko nga kay Boss Vic, nang marinig niya ‘yung conflict na mangyayari sa istorya, kinilabutan siya. Sabi ni Boss Vic, ‘ituloy natin ‘yan’ nang marinig niya ‘yung kuwento ko. ‘Yung magiging leading man na lang ang kulang. Sinuman ang mapipili, sana magdire-diretso. Isa siyang family drama.”

Balik na naman sa pagiging workoholic si Direk Wenn dahil sa dami ng movie project na gagawin niya for this year. Hindi kaya maapektuihan uli ang health nito sa sobrang pagtratrabaho? “Hindi ko iniisip, baka mangarag ako. Basta patulugin ninyo ako.”

ADVERTISING

Hindi pa rin matatapos ang “Flordeliza” nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Ayon kay Direk Wenn, may extension pa ito, hindi pa niya sinasagutan kung itutuloy pa niya ang serye. Kinakapa pa nito ‘yung kuwento. Painit nang painit ang bawat episode kasi nga lumalaban sina Jolina sa kalaban. Maganda ‘yung kuwento, kapana-panabik ang mga eksena. Wika ni Wenn D, “Sana matuloy ‘yung movie namin nina Jolina at Marvin. Si Marvin ang producer, 2016 ko na ito magagawa.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING