Claudine Barretto, tahimik pa rin sa banta ng demanda ni Angelica Panganiban

ADVERTISING

Claudine Barretto, tahimik pa rin sa banta ng demanda ni Angelica Panganiban

Claudine Barretto, tahimik pa rin sa banta ng demanda ni Angelica PanganibanLUMALALA NA NGA itong gulo nina Claudine Barretto at Angelica Panganiban na mukhang aabot na sa demandahan.

ADVERTISING

Dati si Claudine ang nagbabantang magdedemanda kay Angelica dahil sa mga ipinagkakalat daw nitong mga maling tsismis. Pero nanahimik na ito at wala na tayong naririnig mula sa kanya.

Ngayon, nabaligtad ang mga pangyayari. Nag-isyu na ng demand letter ang abogado ni Angelica na si Atty. Joji Alonzo na sa loob ng pitong araw, kung hindi nito ire-retract ang mga sinabi niya laban kay Angelica, mapipilitan silang magsampa ng demanda.

Ang dinig ko, mukhang pursigido talaga ang mga taga-Star Magic na magdemanda si Angelica, kaya tingnan na lang natin kung ano ang susunod na magaganap.

ADVERTISING

Nu’ng lumabas nga ang demand letter na iyan, nagbigay na rin ng statement si Raymart Santiago sa GMA-7, na nagkausap na raw silang mga magkakaibigan na sina Martin Castro at Derek Ramsay. Sisikapin daw nilang maayos ‘yun sa mahinahong paraan at sana tigilan na raw nila ang pagkalat ng kung anu-anong balita tungkol sa asawa niya, alang-alang man lang sa kanilang dalawang anak.

Nanatiling tahimik si Claudine at si Raymart na ang humarap sa isyung ito. Sana nga maayos nila ito bago umabot sa demandahan. Tingnan na lang natin kung magkaroon ng retraction mula kay Claudine at kung magkaayos pa sila ni Angelica.

Ang nakakaloka pa rito, kay Angelica pa yata ang simpatiya ni Gretchen Barretto, dahil nagalit din daw ito sa sinabi ni Claudine sa huling interview niyang lagi na lang daw siyang nagliligpit ng mga kalat ni Gretchen. O, ayan, lalo tuloy gumulo!

Hay, naku! Mukhang mahaba pa ang tatakbuhin ng isyung ito. Tingnan na lang natin kung saan ito hahantong.

SA PAGKAKAALAM KO, kahapon ng umaga ang dating ni James Yap galing Amerika at ang susunod yatang gagawin nila ay magpa-file na sila ng petition kaugnay sa annulment case ng kasal nina James at Kris Aquino.

Pero marami pang isyung dapat sagutin ni James dito. Talagang nakapag-decide na ba siyang huwag nang makipag-ayos at tuluyan nang tapusin ang kanilang pagsasama?

Ano ang reaksiyon niya sa closeness ngayon nina Kris at ni Makati Mayor Junjun Binay?

‘Di ba nakunan pa ng Tweetbiz na magkasama sina Kris at Mayor Binay sa Glorietta 4 nu’ng nakaraang linggo?

Itinanggi ni Kris na nagdi-date sila dahil nagkita lang daw sila roon sa tapat ng Tony Roma’s.

Pero ang nakakaloka lang dito, nakunan ng Tweetbiz na tinatanong ni Baby James ang Mama

niya kung boyfriend ba

nito si Mayor Binay.

Hindi nakasagot si Kris, kundi kinarga na lang ang bagets niya at sinabihang, “Si Bimby talaga naniniwala sa mga talk shows!”

Ano kaya ang reaksiyon ni James dito? Magsusumbong kaya sa kanya ang anak niya kapag nagkita sila?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING