Claudine Barretto, supot ang pasabog

ADVERTISING

Claudine Barretto, supot ang pasabog

Claudine-BarrettoHINDI TALAGA namin kinaya ‘yung pagkatapos magpa-picture na parang one big happy family sina Claudine Barretto, Raymart Santiago, mga anak na Sabina at Santino na ipinost ni Claudine eh, nag-post naman sila ng “next level”—ang katawan ni Claudine, lalo na sa bahaging binti na may mga peklat at maging sa mukha.

Kinontra naman ito ng kampo ni Raymart. Saying may ipinagawa pala ang aktres sa mukha at sa ilang pictures na ipinakita ay meron pang isa na naka-wacky pa si Claudine habang parang nakabalot ang mukha.

So, tiyak na mahihirapan si Atty. Ferdinand Topacio na i-defend ang mga ipinost din nitong mga “kaawa-awang” larawan ni Claudine pagpapatunay na isa itong “battered wife”, eh hindi naman din pala at buti kamo, may mga ebidensiyang pictures si Raymart.

Sa mga comments ng netizens na nababasa namin ay lumalabas na “sukang-suka” na ang karamihan sa mga isyu ng mga Barretto at tila Claudine just lost her credibility, dahil ang netizens ay parang hindi na nakikisimpatiya sa kanya.

ADVERTISING

Oh, well. Akala talaga namin nu’ng una sa retratong ipinakalat ni Claudine kung saan kasama pa si Raymart ay okay na sila at pupuwedeng pag-usapan na lamang nila ang mga problema. Hindi pa pala. Me pasabog si Claudine, pero tila “supot”.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING