Claudine Barretto snubbed interview with a TV host, not once but twice!

DISMAYADO ANG ISANG TV host when appointed for a sit-down interview with Claudine Barretto. Press visit pa mandin ang ipinagbabanduhan ng produksiyon (kung saan magiging abala na naman ang aktres na natsismis na nagpa-rehab), kung saan malayang makakapag-interbyu ang mga reporter kay Claudine.

After all, Claudine is staging a TV comeback, parang nakalimutan na nga yata ng buong mundo in which program she last appeared on GMA dahil natabunan na nga ito ng mga negatibong publisidad tungkol sa 1.) pagkakalabuan  umano nila ng asawang si Raymart Santiago on Claudine’s part; 2.) still unresolved sibling rivalry ng isa pa ring maarte niyang kapatid   na   si   Gretchen;  and  3.)  alleged depression niya that hauled her way to a rehab center.

Ang ending: The supposed interview by the TV host with Claudine was not consummated. Nakailang alibi ang kampo nito para paghintayin, but nary her soul showed up at the sit-down tsikahan. Hindi na lang kasi prangkahin ni Claudine na hindi siya kumportable sa TV host, ikalawang beses na pala niyang ginawan nang ganu’n.

Himutok tuloy ng TV host sa kanyang kabaro: “You have to understand where I’m coming from.” In a recent episode of the program, nakuha pang banggitin ng host ang buong pa-ngalan ng aktres (minus her married name).

Da who ang imbiyernang TV host na ito kay Claudine? Ayaw ni Bayani Fernando, Brix Ferraris, Ben Farrales, Bambi Fuentes at Benjie Felipe ng ganyan!

BUWAN NG ABRIL pa pala nang maputol umano ang mga linya ng komunikasyon sa pagitan ni Maricel Soriano at ng kanyang business manager na si Malou Choa-Fagar. Intindido tuloy kung bakit sa  kabila  ng  panga-ngalampag ng media kay Tita Malou, wala itong konkretong maisagot sa kasong kinasasangkutan ngayon ng kanyang alaga.

Only two months under her employ ay inireklamo ng dalawang kasambahay ang Diamond  Star sa  kasong  pananakit  umano. Nauna munang idinulog ng mga umano’y biktima ang insidente sa programa ni Mon Tulfo, then sought assistance sa nasasakupang barangay ng aktres sa Poblacion, Makati City.

Pasable na sana ang “manhandling case”, pero wala na yatang mas titindi pa sa alegasyon ng dalawang househelp na nahuli nilang nagdodroga ang kanilang amo. This is a challenge to both the accusers na patunayan ang paratang na ito, and the accused, being Maricel, to disprove such allegations.

Ang alam namin sa mga ganitong drug-related cases, alisto ang PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency kahit sa mga pinaghihinalaang drug  users, most specially those who belong to showbiz. As it is now, sa tindi ng mga akusasyon ng dalawang kasambahay ni Maricel, this does not seem to be just a barangay concern.

Given the severity of the accusations, hindi ito dapat ipagwalang-bahala ni Maricel… although in our heart of hearts, between beating up her maids and doing drugs ay mas malabong masadlak sa huli ang aktres na iniidolo ko pa mandin.

ABANGAN ANG EPISODE bukas ng Face To Face na Grandma’ng Malupit, Parang Toro Kapag Nagsusungit! Sariling Apo Kinukurot sa Singit! Madamdaming inilahad ni Odessa ang pagmamalupit ng kanyang Nanay Conching sa sarili niyang anak.

Ani Odessa, mas kinakampihan daw nito ang isa pang apo sa pangalawang asawa. Pero nang marinig ni Nanay Conching ang paratang ng anak, pagpasok sa studio ay nagtutungayaw ito ng: “Sinungaling ka! Sinu-ngaling ka… nanggigigil ako sa ‘yo!” Paanong hindi raw ganu’n kung umasal si Nanay Conching, bukod sa pabayang ina raw si Odessa ay sulsulin pa sa kaibi-gang hindi raw nakakabayad sa kanyang paupahan!

Isa na namang paglalaba ng maruming lina ang huwag palampasin bukas!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleEnrique Gil: the coño boy who captures the heart of the mass
Next articleMelai Cantiveros and Jason Francisco reveal their private lives!

No posts to display