Claudine Barretto, sinisisi si Raymart Santiago sa kasong Robbery

ADVERTISING

Claudine Barretto, sinisisi si Raymart Santiago sa kasong Robbery

Raymart-Santiago-Claudine-BarrettoBAGONG KASO na naman itong hinaharap ni Claudine Barrretto, huh! Parami nang parami na ang inaasikasong kaso ni Atty. Ferdie Topacio.

Mataray na komento nga ng mga baklang nagku-cover sa hearing nina Claudine, baka nauubos na ang make-up ni Atty. Topacio dahil napapansin nilang naka-foundation daw talaga ito sa hearing. Kasi haharap na naman sa TV para interbyuhin.

Nu’ng Miyerkules ay dumalo si Claudine kasama si Atty. Topacio sa hearing ng kasong Robbery na isinampa ng dalawa niyang kasambahay.

Ito raw ‘yung counter charge ng dalawang kasambahay nila ni Raymart na kinasuhan ni Claudine ng Qualified Theft dahil ang sabi ng aktres, pinagkukuha raw nito ang mga Louis Vitton bags niya at mga paintings na kasabwat pa raw si Raymart.

ADVERTISING

Pero binasura ang kasong isinampa niya, at sa halip ‘yung kontra-demanda ng dalawang kasambahay ang umakyat dahil pinagkukuha raw ni Claudine ang mga gamit nila.

Kaya nagpiyansa si Claudine ng P100,000 at pagkatapos nu’n ay nag-plea siya ng “not guilty” sa korte nu’ng nakaraang Miyerkules.

Ngayon ang sinisisi ni Claudine kaya inabot niya ang kasong ‘yun, si Raymart. Alam daw niyang si Raymart at ang kapatid nitong sina Gretchen at Marjorie Barretto ang nasa likod ng kasong ‘yun. Kaya masama ang loob niya dahil sa halip na gastusin daw niya ang P100,000 na ‘yun sa mga anak nila, pinambayad pa raw niya ngayon sa piyansa.

Siyempre, naungkat na naman ang financial support na hindi man lang daw nakapagbigay si Raymart.

Ayaw nang patulan pa ni Raymart. Hayaan na lang daw kung ano pa ang sasabihin ni Claudine.

Sabi naman ng abogado ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo, hindi sila puwedeng magbigay pa dahil ongoing pa ang kaso na kinukuha ni Raymart ang custody ng mga bata. Kaya hihintayin na lang daw muna nila ang desisyon ng korte.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING