Claudine Barretto, pokus ngayon sa pagbabalik-showbiz

ADVERTISING

Claudine Barretto, pokus ngayon sa pagbabalik-showbiz

Claudine-BarrettoANG TINUTUTUKAN ng panahon ngayon ni Claudine Barretto ay ang tuluyang maibalik ang kanyang kasipagan sa paggawa ng pelikula at mga teleserye, na nitong mga huling taon ay hindi niya naisakatuparan, dahil na rin sa naging problema niya sa kanyang sariling pamilya na humantong nga sa paghihiwalay nila ni Raymart Santiago. Hindi naman kasi talaga ganu’n kadali para sa magaling na aktres na ibigay nang buo ang kanyang sarili para sa kanyang propesyon kung mayroon siyang pinagdaraanan.

ADVERTISING

Positibo ang dating ng pagiging klaro sa utak ni Claudine, na anuman ang kinahinatnan ng relasyon nila ni Raymart ay hindi dapat na magdusa ng kalungkutan ang kanilang mga anak na sina Sabina at Santino. Umaayon din naman ang laging pananahimik ni Raymart sa naging kontrobersiyal na isyu ng hiwalayan nila ni Claudine, dahil para rin naman sa kanya ay higit na mahalaga na lumaki ang kanilang mga anak na hindi maaapektuhan ng hiwalayan ng kanilang mga magulang.

Parehong magaan ngayon para kina Claudine at Raymart ang magtrabaho bilang mga artista, dahil alam nila sa kanilang mga sarili na hindi man sila magkabalikan bilang mag-asawa ay nagiging masaya ngayon ang kanilang mga anak. Maganda ang pagbabalik-pelikula ni Claudine, dahil konting pagpapapayat lang at hahataw ulit siya. Nagmarka ang acting niya sa huling pelikulang kanyang ginawa sa Star Cinema, at kamakailan ay muling napansin ang wala niyang kupas na kahusayan sa pag-arte sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING