Claudine Barretto – Piolo Pascual reunion movie, ‘di pa rin sigurado

ADVERTISING

Claudine Barretto - Piolo  Pascual reunion movie, ‘di pa rin sigurado

Claudine-Barretto-Piolo-PascualMATUTULOY NA pala ang pelikula ni Claudine Barretto sa Viva Films na ang title ay Pinilit Kong Limutin Ka na posibleng reunion movie nila ni Piolo Pascual na nakasama ng aktres noon sa pelikulang Milan.

Ito mismo ang kinumpirma ni Direk Wenn Deramas nang makausap namin siya sa presscon ng Wang Fam na na pinagbibidahan nina Pokwang, Benjie Paras, Andre Paras, Yassi Pressman, Atak, Wendell Ramos at marami pang iba.

“Actually, originally, mas mauuna dapat ito (Pinilit Kong Limutin Ka) kesa sa Etiquette (For Mistresses). Kaya lang, wala akong maibigay na schedule,” sey pa niya.

“Kung maayos lang na nailatag ‘yung mga dapat na schedule, dapat November, ginagawa ko na ‘yung kay Claudine para maipalabas na next year. Pero okey na rin, kasi Enero naman, gagawin ko na. Alam mo naman, gustung-gusto ko na ring makatrabaho si Clau-Clau,” patuloy ni Direk Wenn.

ADVERTISING

Posible ba talaga na si Piolo ang makasama ni Claudine sa Viva projects?

“Silang dalawa pa lang ni Claudine ang nag-uusap. Ang pinakabago lang doon ay narinig na ni Piolo ‘yung gist, ‘yung kuwento, pero hindi pa nailalatag sa kanya. So, ang kailangan namin is magkaroon ng pitching na tinatawag para totally gawin ni Piolo ‘yung pelikula.”

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING