Claudine Barretto, pinatunayang malinis siya sa iligal na droga

ADVERTISING

Claudine Barretto, pinatunayang malinis siya sa iligal na droga

Claudine Barretto
Claudine Barretto
Claudine Barretto's Drug Test Result
Claudine Barretto’s Drug Test Result

Bongga ang showbiz celebrities’ natin na kusa mismong nagpa-drug test na ang naging resulta ay negatibo sila sa kahit na anong ipinagbabawal na gamot or substance.

Sina James Reid at Anne Curtis ay safe na siyang lumabas sa kanilang drug test results. I short, malinis sila.

Recently, ang pinagduduahan ng publiko na gumagamit ng droga na si Claudine Barretto, gayon din ang ginawa para mawala na ang haka-haka ng karamihan na ang aktres ay gumagamit ng drugs, reason kung bakit ang kasalukuyan niyang estado ay pakiwari ng karamihan ay patapon na ang buhay niya. Patunay ang posting ng kaibigan niyang si Francis Simeon sa FB account nito ng kopya ng resulta.

Sa isinagawang drug test kay Claudine dated September 6 (Tuesday), negtibo siya sa paggamit ng cocaine, ecstasy, morphine, opium, shabu, marijuana, at ilan pang ipinagbabawal na droga.

ADVERTISING

Kaya sa mga nagmamahal kay Claudine, happy sila dahil napatunayan na mali ang ina-assume ng marami tungkol sa aktres.

Sa kasaukuyan, focus ang aktres sa kanyang mga anak. Ang Viva Artists Agency naman na siyang nagha-handle ng career niya ay inaasikaso ang next project niya after ng “Etiquette For Mistresses” ng Star Cinema.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING