Claudine Barretto, pelilkula at hindi serye ang pagbabalik sa Dos

Claudine Barretto, pelilkula at hindi serye ang pagbabalik sa Dos

Claudine-BarrettoSA ONE-ON-ONE interview ni Boy Abunda kay Claudine Barretto ,inamin ng huli na tuloy na ang pagbabalik niya sa ABS-CBN pero wala raw munang serye.

Napagdesisyunan daw nina Claudine at Kapamilya management na ang comeback project niya ay pelikula na muna.

“Kasi ang last ko, ‘In Your Eyes’ and also to test the waters kung may market ka pa, ‘di ba? And then, saka na ‘yung teleserye, so we’re doing two movies,” pahayag ni Claudine.

Ang first movie na gagawin ni Claudine ay ididirek ni Wenn Deramas na Pinilit Kong Limutin Ka.

Naitanong din kay Claudine kung ano sa mga pelikula niya ang gusto niyang i-remake para gampanan ng pamangkin niyang si Julia Barretto?

“I told Direk Wenn and Tita Malou Santos, I would really like Julia to do ‘Dahil Mahal Na Mahal Kita’. And then, ako si Jaclyn Jose na mas pinalakihan ‘yung role and of course, I would also like her to do ‘Saan Ka Man Naroroon’ or ‘Sa Dulo Ng Walang Hanggan’.”

Ayon pa kay Claudine, gusto at willing siyang makatrabaho ang kanyang pamangkin. Tsika pa ni Claudine, nang dumalo siya sa debut ni Julia, nagbeso siya kay Marjorie at tapos daw ay sinabihan siya ng ‘thank you for coming’. Nagpasalamat din daw siya sa pag-imbita sa kanya.

“Kapag dumaraan siya sa likod ko. She ask me, “Did you eat na?” and “What do you want to drink?” ‘Yun, nakikita mo ulit yung pagka-ate niya, alam mo ‘yun?

“Pero parang natatakot akong mag-dive doon sa ganoon… kasi baka maulit ulit,” say ni Claudine.

The next day, pagkatapos ng debut ay nag-breakfast daw sila together at napag-usapan din daw nila ang tungkol kay Raymart Santiago at mga pamangkin niya kay Marjorie. Pero ‘di raw talaga nila napag-usapan si Gretchen Barretto, isa pa niyang ate.

Well, sana nga ay magklik ang gagawing comeback movie ni Claudine, dahil dito nakasalalay kung tanggap pa rin ba siya or tuluyan nang kinalimutan ng mga tagasubaybay.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo