Claudine Barretto, naospital sa sobrang pagda-diet

Claudine Barretto, naospital sa sobrang pagda-diet

Claudine-BarrettoKAILAN LANG, isinugod sa St. Luke’s Hospital si Claudine Barrettto sa sobrang pagda-diet at exercise. Hindi nakaya ng kanyang resistensiya ang routine exercise na ginagawa niya every time na nasa gym siya. Ayon sa malapit na kaibigan ng actress, okay na raw ito. Kailangan lang ng pahinga para agad maka-recover.

Sa totoo lang, kinakarir talaga ni Claudine ang pagpapayat para sa comebacking movie niya sa Viva Films sa direksyon ni Wenn Deramas. Bukod sa boxing at gym exercise, may zumba lesson pa siya every other day. Malaki talaga ang pinayat ni Claudine, almost 20 pounds ang natanggal. Sa kanyang mga pics sa Instagram account, super sexy ang actress in her two-piece bikini.

Natutuwa si Direk Wenn dahil nakikita niya pursigido si Claudine na magbalik-pelikula. Maging ang box-office director ay excited na ring masimulan ang kanilang pelikula. Lalo na siguro kung si Piolo Pascual ang magiging leadingman ng actress. Tinatapos lang ng actor ang movie nila ni Sarah Geronimo under Star Cinema. Hopefully, i-consider ni Piolo ang movie project nila ni Claudine. If ever, reunion movie nila ito ni Claudine after Milan ng Star Cinema.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield